19

MAY 2025

Desperate Measures

by | 202505, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Joshene Bersales

Sinisikap niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito … Kaya’t patakbo siyang nauna sa dadaanan ni Jesus at umakyat sa isang puno ng sikamoro.

Lucas 19:3–4

Malaki ang dilemma ni Zaqueo. Gusto niyang makita ang pinagkakaguluhang guro mula sa Nazareth. Pero maliit lang siya. Tinawag pa nga siyang “pandak” sa Lucas 19:3. At hindi lang ito ang problema. Isa siyang tax collector, at galit ang kapwa niya Judio sa mga tax collector kasi madalas nilang kinukupitan ang mga kababayan nila. Wala tuloy siyang mahingan ng tulong para makita ang dumaraang si Jesus. 

Desperate times call for desperate measures, ‘ika nga. Kahit na mayaman siyat mataas ang katayuan sa buhay, hindi na ito inisip ni Zaqueo. Dali-dali siyang umakyat ng sycamore tree para masulyapan ang paparaang guro. Eh ano kung pagtawanan siyat laitin ng ibang tao? Mas naging matimbang ang desire niyang makitat makilala si Jesus.

Gaano katindi ang pagnanais mong makilala ang Diyos? Ano ang desperate measure na ready kang gawin para lang mapalapit sa Kanya? Ano ang kaya mong i-give up — Pride? Pera? Relationships? Worth it ba ang lahat ng itatapon mo para sa desire na ito? 

Balikan natin si Zaqueo. Nakaakyat na siya sa puno. Finally, nakita na niya nang mabuti si Jesus! Pero hindi dito nagtatapos ang kuwento. Sabi sa Lucas 19:5: “Pagtapat ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya kay Zaqueo at sinabi, ‘Zaqueo, bumaba ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa iyong bahay.’” Napansin siya ni Jesus. Nabigyan ng reward ang extra effort niya, at nagkaroon siya ng chance para makilala personally ang Panginoon. 

Ready ka bang mag-extra effort to know Jesus more? Huwag kang mahiya o matakot to take that extra leap of faith. May naghihintay na reward sa iyo — isang meaningful relationship with the Lord. Kaya go lang. Climb that sycamore tree.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, I want to know You more! Bigyan Mo po ako ng determination na mag-extra effort para mas lumalim ang relationship ko with You. Amen.

APPLICATION

Ano ang sycamore tree mo, ang bagay na dapat mong akyatin para mas makilala mo si Jesus? Anong concrete steps ang puwede mong gawin para maakyat ito?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 9 =