14

MARCH 2024

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Nor Aquino-Gonzales

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Mga Taga-Filipos 4:6–7

Marami bang gumugulo sa isip mo? Di ka makatulog sa dami ng problema na bumabagabag sa iyo? Wala o kulang sa pananalapi? Di pagkakaunawaan sa pamilya? Intrigerang ka-opisina?

Sabi ng iba, positive thinking lang ang katapat ng magulong buhay. Ang iba naman ay umiinom ng pampa-relax ng katawan at pampatulog. Or maybe a few bottles of beer will help?

Kung puwede lang sanang bilhin ang peace of mind sa pharmacy.

May reseta ang Bible sa problema mo. Pero una, ano ba ang definition mo ng peace?

Ano ang peace sa iyo? Walang ingay? Walang magulong buhay? Walang problema? Smooth sailing lang ang buhay? Parang mahirap yatang magkaroon ng peace kung ito ang iyong definition ng peace. Why? Kasi nakaapak pa tayo sa lupa kung saan ang mga ingay o kaguluhan na nararanasan natin ay dahil sa kasalanan na nakapagpahiwalay sa tao at sa Diyos. Kaya kahit naniniwala tayo sa Diyos, hindi tayo exempted sa problema. 

So, paano ba magkaroon ng peace? At ano ang ibig sabihin ng peace according to the Bible? Peace is having an inner place of rest, security, and trust amid the troubles or noise around us (John 16:33). Panatag ang iyong loob kahit ang labas ay magulo. Malinaw na may trouble pero may katahimikan ang ating puso. Ang peace na ito ay mahirap intindihin pero mararanasan natin ito (Philippians 4:7).

Sabi sa Bible, kung tayo ay nababahala, huwag mag-alala. Ilapit sa Diyos ang sitwasyon natin at humiling sa Diyos nang may pagsasalamat. Ang resulta ng dasal natin ay kapanatagan na hindi madaling ipaliwanag. Ang peace of mind na ito ang siyang tutulong sa atin na mag-focus kay Jesus. Prayer and peace go hand in hand. Partner sila lagi.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, ako ay nababahala. Sobrang bigat ng aking problema. Salamat at andito Kayo na kasama ko. Ibinibigay ko sa Iyo ang lahat ng aking alalahanin. Hear my cries, Lord. I want to have the peace that You promised. In Christ’s name, Amen.

APPLICATION

Pray with a grateful heart, thanking Him for everything first, and then idulog mo sa Kanya ang iyong hinaing. Kahit ikaw mismo, mamamangha ka sa peace na babalot sa iyo sa gitna ng kaguluhan.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 6 =