29

MARCH 2025

Ang Kalabang Dapat Kilalanin

by | 202503, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Luisa Collopy

Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito—ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.

Mga Taga-Efeso 6:12

Mahilig ka bang manood ng horror movies? Mahirap mang i-prove ang positive effects of being frightened, serial movies like Shake, Rattle and Roll anthology films and Friday the 13th American franchise show that many enjoy being stimulated by fear.

Sa Bible ay maraming horror stories na mababasa. Isa rito ay nangyari sa lugar ng Efeso, kung saan ay gumawa ng mga himala si Apostol Pablo. May mga taong nagdala sa mga maysakit ng panyo o damit ni Pablo at sila ay gumaling at napalayas ang masasamang espiritu. Kaya hanga sila sa mga himala.   

May mga Judio rin na nagpapalayas ng mga masasamang espiritu. At dahil kilala si Pablo for using the name of Jesus Christ in healing and deliverance, ginaya siya ng mga ito. Kasama rito ang pitong anak na lalaki ni Esceva, isang high priest ng mga Judio. They exploited the desperate need of the people.

“Subalit sinagot sila ng masamang Espiritu, ‘Kilala ko si Jesus, kilala ko rin si Pablo, ngunit sino ba kayo?’ At sila’y nilundag ng lalaking sinasapian ng masamang espiritu, tinalo silang lahat at malubhang sinaktan, anupa’t hubad at sugatan silang tumakas sa bahay na iyon” (Mga Gawa 19:15–16).

There is no neutral zone or peace plan for the devil. Ang mga alagad ay pinagkalooban ng Diyos ng panlaban at kailangang isuot ang mga ito araw-araw: sinturon ng katotohanan, baluti ng katuwiran para sa dibdib, sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan, ang pananampalataya bilang panangga, ang helmet ng kaligtasan at ang tabak ng Espiritu (Mga Taga-Efeso 6:13–17). Ang Salita ng Diyos, ang Banal na Espiritu, at ang mga katotohanang nagmumula sa Diyos ang ating matitibay na panlaban.

Ihanda mo ang iyong sarili ngayong kilala mo na kung sino ang totoong kalaban. At huwag tayong matakot, dahil ang kakampi nating si Jesus ay mapagtagumpay. Binigyan din Niya tayo ng tagumpay laban sa kalaban!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo akong isuot ang mga kaloob ng Diyos at maging handa sa pagsalakay ng kalaban.

APPLICATION

Do you collect horror films or scary books? Ask God for wisdom and strength to let them go so you can focus on Him!

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 8 =