5

JUNE 2025

Ang Pantubos

by | 202506, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Luisa Collopy

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.

Mga Taga-Roma 5:8

Isang lalaki ang nagsangla ng kanyang Rolex watch, isang regalo mula sa kanyang mga magulang, for 20,000 pesos. Nang malaman ito ng nanay niya, naiyak ito dahil ilang daang libo ang tunay na halaga nito. Kinausap ng ina ang kanyang manugang at ipinahanap ang papel. Tinubos ng ina ang relo bago pa maremata, and she put it away for safekeeping.

Noon pa man ay uso na ang pagsasangla. Huwag kang ma-shock dahil ganito ang ginagawa ng mga tao at ang katumbas na palitan sa pagtutubos: “Kung anak na lalaki, mula sa dalawampu hanggang animnapung taong gulang, ito ay susuriin upang palitan o tubusin sa halagang limampung pirasong pilak ayon sa timbangan sa santuwaryo at tatlumpung pirasong pilak naman kung babae. Mula sa lima hanggang dalawampung taon, dalawampung pirasong pilak kung lalaki at tatlong pirasong pilak naman kung babae. Kung mahigit nang animnapung taon, labinlimang pirasong pilak kung lalaki at sampung pirasong pilak naman kung babae” (Levitico 27:3–7).

Bago ka magtaka kung bakit pati tao ay sinangla, this has to do with dedicating oneself or someone, like a baby, to the Lord for sanctuary work. Hindi naman kailangang magsilbi ang lahat sa santuwaryo, kaya maaaring tubusin ang mga ito based on the set values. But the monetary values did not correspond to the actual value of a man and a woman in God’s sight for He loved all of them.

Pero ang pinakamahalaga at pinakamahal na pinantubos ay si Jesus. Sinabi ni Apostle Paul, “Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa” (Mga Taga-Roma 5:8). Ito ay pinatunayan din ni John nang sabihin niya, “Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya” (Juan 3:17).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, Panginoon, sa Iyong pagmamahal na siyang naging dahilan ng pagtubos Mo sa amin. May we never forget the sacrifice You have made to make way for our salvation!

APPLICATION

If you haven’t accepted Jesus as your Lord and personal Savior, you can now pray and invite Him in your life.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 5 =