9

JULY 2025

Thank You for Sharing Jesus to Me

by | 202507, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Alma S. de Guzman

Dahil kayo’y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.

Mga Taga-Efeso 5:1–2

When a friend or stranger shares something good, like nanlibre ng pagkain or nag-donate for a cause, hindi ba’t ang hirap tumanggi? Bakit ka naman tatanggi when sharing is done with sincerity and love?

Jesus has His way to our hearts. Alam Niya kung paano tayo aabutin. He will sometimes send us people who will lead us to Him, at minsan, He will allow things to happen in our lives para makilala natin Siya at maranasan ang Kanyang pagmamahal.

Eleven years old pa lang si Yssa noong makita niyang magkagulo ang pamilya nila dahil sa infidelity ng papa niya. Since then, araw-araw na niyang dala ang kabigatan sa puso niya. Naging mas mabigat pa iyon after she experienced harassment from a stranger. Wala siyang safe person noon, and she just kept everything to herself.

But Jesus saw everything that happened to her. During the pandemic, may classmate siyang naging mabuti niyang kaibigan, and she was later introduced to Amanda. Their friendship started through a weekly online Bible study until it grew into face-to-face meet-ups.

Nakita ni Yssa ang love and effort na ibinibigay ng kanyang kaibigan para maibahagi sa kanya ang pagmamahal ni Jesus. It was the kind of love na hindi namimilit, hindi nagmamadali, hindi nanghuhusga, at higit sa lahat, handang umunawa at i-share ang tunay na pagmamahal ni Lord.

Ilang beses man niyang sinubukang huwag makinig, pero sa huli, nanaig pa rin ang pagmamahal ni Lord.

Yssa’s life has changed for the better. Although hindi nagkabalikan ang parents niya, her life now has a purpose and meaning. The Lord Jesus became her safe person, and little by little, she’s healing from the wounds of her past. Now she prays and shares Jesus’ love with the people around her, including her own siblings and half-siblings.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, maraming salamat sa Iyong pagmamahal. Maraming beses man akong nasaktan at naligaw, palagi Mo po akong sinasalo at ibinabalik sa Iyong pagmamahal. Lord, bless all the people who have helped me to believe in You. In Your Name, I pray. Amen.

APPLICATION

“Thank you for sharing Jesus to me” — Send this line to people who made a difference in your life.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 1 =