31

JULY 2025

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Mona Valconcha-Ocampo

“Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.”

Mateo 24:35

Taon-taon ang Oxford University Press ay naglalabas ng “Word of the Year.” Mula sa mga salitang nauso sa taon na iyon ay namimili sila ng isa na kikilalaning Word of the Year. Ilan sa halimbawa ng mga nadeklarang Word of the Year ay ang mga salitang selfie (2013), vax (2021), Goblin mode (2022), at rizz (2023).

Maging sa Pilipinas ay maraming nauusong salita. Marami sa mga salitang ito ay makikita mo sa social media. Bata man o matanda ay gumagamit ng mga nauusong salita gaya ng “sana ol,” “keri lang,” “arat na,” at marami pang iba. Noong 70s nauso ang pabaligtad na pagbigkas ng salita gaya ng “repa” o pare. Noong 90s nauso sa mga kabataan ang tinatawag na pagsasalita ng G-word.

Napakabilis mauso at mabilis rin naman lumipas ang mga nauusong salita. Pero iba ang salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos mula noon hanggang ngayon, at sa habang panahon ay hindi malalaos, hindi lilipas, at hindi mawawalan ng bisa. Ito ay assurance galing mismo sa ating Panginoong Jesus at makakaasa ka na ang salita ng Diyos ay hindi babalik sa Kanya ng walang katuturan, at tutuparin nito ang Kanyang mga ninanais. (Isaiah 55:11)

The Bible is our daily spiritual food, the spiritual nourishment for our soul. Kung paanong hindi lilipas ang isang araw na hindi ka kumakain ng pisikal na pagkain, mas lalong higit na hindi mo dapat hayaang magutom ang iyong espiritu.

God will surely speak to you through His word. So be excited and read your Bible everyday!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, naniniwala akong ang Inyong salita ay habambuhay na totoo at matatag. Alam kong sa Inyong salita matatagpuan ko ang mga pagtatama, mga pangako, at mga utos na magbibigay direksyon sa aking buhay. Bigyan po Ninyo ako ng kalinawan at divine illumination sa tuwing ako’y magbabasa ng Bible. Gusto kong higit pa Kayong makilala sa bawat pagbabasa ko ng Inyong salita. Amen.

APPLICATION

Mag-practice na himayin ang iyong binasang salita ng Diyos. Magkaroon ng devotion notebook kung saan mo isusulat ang iyong natutunan. Maaaring magsulat gamit ang S.O.A.P. format: Scripture. Observation. Application. Prayer.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 13 =