11

AUGUST 2025

Zoom In, Zoom Out

by | 202508, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Kit Cabullo

Nawa’y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya. Dalangin ko na lahat ng iyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig upang lubusang maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig. At nawa’y malaman ninyo ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip upang kayo’y mapuspos ng kapuspusan ng Diyos.

Mga Taga-Efeso 3:17–19

Nakita mo ang picture ng friend mo from his recent beach vacation. Na-curious ka sa napakapinong buhangin kaya nag-zoom in ka. Pagkatapos ay nag-zoom out ka para makita ulit ang buong photo. Ang ganda ng view!

Kaibigan, maganda rin itong gawin sa buhay natin! Maraming pagkakataon na naka-focus tayo sa mga circumstances ng buhay natin. This is not wrong especially if you are a responsible person. Ayaw natin maging pabaya. Pero kung idadagdag natin ang pag-zoom out, mas makakatulong ito sa atin.

The Bible often reminds us that there are bigger realities beyond what we can immediately see, hear, or feel. Kaya ang panalangin ni apostle Paul para sa atin ay sana “lubusang maunawaan … kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig. At nawa’y malaman ninyo ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip” (Mga Taga-Efeso 3:18–19). Kailangang paalalahanan tayo tungkol sa kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos dahil na rin sa mga laban na pangmalawakan. “For we do not wrestle against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the cosmic powers over this present darkness, against the spiritual forces of evil in the heavenly places” (Ephesians 6:12 ESV). 

Maliit man o malaki ang mga pangyayari at pagsubok sa buhay natin, bahagi sila ng mas malalawak pang mga kadahilanan. But don’t be afraid because the Lord knows everything! And from the smallest to the biggest battles — He fights for us and works for the good of His people.

 

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, nagtitiwala po ako na Kayo ang nakakaalam ng lahat. Kayo rin po ang may hawak ng aking buhay. Please give me strength to face my daily battles.

APPLICATION

May pinagdadaanan ka ba? Ask the Lord for wisdom and try answering these questions in your journal. Zoom in: Anong immediate cause nito? Zoom out: Is this related to what God’s bigger purposes for me like holiness or maturity? Again, zoom in: May specific ba Siyang itinuturo sa akin? This will help us see our circumstances from a wider perspective.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 5 =