24

AUGUST 2025

Losing It All for Jesus

by | 202508, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Mona Valconcha-Ocampo

Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon. Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan, makamtan ko lamang si Cristo at lubusang makasama niya. Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo’y buhat sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya.

Mga Taga-Filipos 3:7–9

Sydney McLaughlin-Levrone is one of the greatest sprinters of all time. Last Paris 2024 Olympics, nakapagtala siya ng kanyang sixth new world record nang tapusin niya sa loob lamang ng 50.37 seconds ang 400-meter hurdles.

Dahil sa kanyang tagumpay, kinuha siyang endorser ng big brands like New Balance, which gave her an annual base pay of $1.5 million. Her pay from Tag Heuer at Gatorade also contributes to her total net worth of $12 million.

Some people might not know that Sydney is proud of her faith in God. Ang sabi niya, “What I have in Christ is far greater than what I have or don’t have in life … He has prepared me for a moment such as this. That I may use the gifts He has given me to point all the attention back to Him.”

Sa isang interview, inamin niyang minsan nalalagay sa alanganin ang kanyang endorsements dahil may pressure for her to be less vocal about her faith. Sabi niya, “I don’t live for the approval of people, and even if an endorsement or something wants to leave, I know that God will provide for me in the way He sees fit.” 

Siya ay magandang halimbawa ng sinabi ni Apostle Paul sa Philippians 3:7–9 (NIV), the first part of which says, But whatever were gains to me I now consider loss for the sake of Christ.”Walang kabuluhan ang lahat ng bagay sa mundo kumpara sa higit na mahalaga, ang makilala at maranasan si Cristo.

Sana ganito rin ang laman ng puso mo — that Jesus is your greatest desire. Hindi masamang maging successful o magkaroon ng magagandang bagay sa buhay, pero hindi sana palitan ng mga ito si Cristo sa buhay mo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, thank You for reminding me that You are the greatest gift I could ever have in my life. Holy Spirit, help me to desire for Jesus and what His heart desires, even if that means losing the things this world has to offer. Amen.

APPLICATION

Anong mga bagay sa buhay mo ang takot kang mawala? Pamilya? Trabaho? Pera? Kalusugan? Submit them to God in prayer, trusting that He will take care of these things for you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 2 =