18
OCTOBER 2025
From Broken to Beautiful
“Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito’y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.”
Isaias 43:19
Nakabasag ka na ba ng pinggan, baso, o kaya ay flower vase? Malamang, pagkatapos kang pagalitan ng nanay mo ay sinabi niyang ‘wag na itong hahawakan at baka masugatan ka pa. Siguro, kinuha na niya agad ang walis at dustpan at tinapon na ang nabasag mo.
Alam mo bang sa Japan, may isang artform na tinatawag na kintsugi? Ito ay ang pagbibigay ng panibagong buhay sa nabasag nang piece of pottery sa pamamagitan ng paghinang o pagdikit gamit ang urushi lacquer and powdered gold, silver or platinum. There is no attempt to hide or disguise the seams at all dahil pinaniniwalaan nilang ang joints na ito ay bahagi ng history ng nasabing pottery piece. Para sa kanila, ang signs of repair kung saan makikita ang linya ng powdered gold ay nakakadagdag sa kagandahan ng isang object. This artform is somehow akin to the Japanese philosophy na ang pagkasira ng isang bagay ay hindi katapusan ng pakinabang na makukuha natin mula rito. In repairing and joining the broken pieces with lacquer and gold, mapapaganda pa natin ito at mapapakinabangan ng mas mahabang panahon.
We humans go through various forms of brokenness as well. Maaaring dulot ito ng disappointment sa trabaho, pagkasira ng relasyon, pagkakasakit, addiction, loss of a loved one, or a mental health condition. However, this kintsugi artform encourages us na huwag sukuan ang isang bagay na akala ng iba ay sira, nakakasugat, at patapon na. This sends a sense of assurance na kahit tayong mga nasira, nadapa, at nabasag na ay maaari pang gamutin at buoin ng gintong pagmamahal ni Lord. His steadfast and stubborn love does not give up on us, despite our cracks, crumbs, slivers, and fractures. He gives us new life and restores us to wholeness again. And when He does that, He breathes renewed beauty in us.
LET’S PRAY
Mahal naming Ama, ang Inyong pagmamahal ang tanging kailangan namin upang maging buo kaming muli. Salamat dahil hindi po Ninyo kami sinusukuan sa kabila ng aming mga pagkakamali, sugat, at lamat.
APPLICATION
Have you encountered life experiences that you think have destroyed who you are? This is the best time to seek God to mend, join, heal, and make whole.
SHARE THIS QUOTE
