19

NOVEMBER 2025

Kapag Inggit, Pikit Na Lang!

by | 202511, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Alma S. de Guzman

Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa.

Santiago 3:16

A few years ago, nauso ang kasabihang “Kapag inggit, pikit!” Ang ibig sabihin nito, kung naiinggit ka sa nakita mong post sa social media ng iba, piliin mo na lang na huwag tumingin at mag-scroll. Wala namang masama kung gugustuhin mo ring magkaroon ng mga bagay na nakikita mo sa iba. Pero, magiging masaya ka ba talaga kapag nakamit mo ang isang bagay na hindi naman talaga kalooban ng Diyos para sa iyo? O hindi pa napapanahon para makamit mo?

May ilang nagsasabi na normal naman makaramdam ng inggit. But if we allow this kind of mindset, it will corrupt our hearts. Instead of focusing on our own journey, we tend to look at what others have. Kinukumpara natin ang sarili natin sa iba. At kung real talk din lang naman, kadalasan ay nahihirapan tayong maging one hundred percent happy for others because at the core of our hearts, we are never satisfied with what God is giving us.

We tend to decide on what is best for us. Minsan nagtatampo pa tayo kay God kasi feeling natin napag-iiwanan na tayo. Kapag naka-focus tayo sa blessing ng iba, nalilimutan natin ang blessing at pangako na ibinigay Niya sa atin. But when we are fully satisfied with God, we’ll gain a new vision, and we will clearly see what He has in store for us.

Kapag inggit, look up to Jesus! Set your heart on what Jesus said truly matters in life. There’s nothing and no one that can fully satisfy us apart from Jesus’ love. Receive His love and live in His love.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, I ask for Your forgiveness, maraming beses akong nainggit sa iba, at hindi ko na namalayan na kinain na ako nito. Clear my vision and help me see every blessing and promises that You have for me. Thank You for Your love.

APPLICATION

Let go of the things that you bought out of envy or jealousy. When you’re tempted to buy things, ask God if it’s necessary.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 12 =