10

DECEMBER 2025

Ang Pinakamagandang Damit

by | 202512, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Alma S. de Guzman

Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, “Madali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya. Suotan ninyo siya ng singsing at bigyan ninyo siya ng sandalyas.”

Lucas 15:22

Tuwing may special occasions katulad ng kasal o birthday, pinaghahandaan natin ang damit na gagamitin. Kadalasan, sinisiguro ng parents o guardian na the best ang damit ng celebrant.

When Aya was about to turn eighteen, gusto sana ng mama niya na makapagsuot siya ng gown sa isang magandang debut party, pero hindi pa nila kaya noon. Sabi ng mama niya, “Bawi tayo sa kasal mo.” Sadly, Aya’s mom passed away in the same year. Eighteen years later, ikakasal na si Aya. Initially, OK na sa kanya ang simpleng wedding dress. But God is a good Father. He made a way para makapagsuot si Aya ng pinakamagandang damit. Her friend from abroad pledged to provide for her wedding gown. Aya went from a simple ready-to-wear wedding dress to a tailor-fit princess-like dress. Ganun kabongga ang Father’s love ni God na ipinadama sa kanya. 

Sa kuwento ng prodigal son, matapos siyang lumayas at sirain ang sariling buhay, sa kanyang pagbabalik ay nagmamadaling ipinag-utos ng tatay niya na kunin ang pinakamagandang damit at bihisan siya. Pansin n’yo ba, na hindi lang basta damit, pero dapat ‘yung the best of all?

Ang pinakamagandang damit ay simbolo ng pagmamahal at kaligtasan na gustong ipagkaloob ng ama sa kanyang anak. In real life, alam mo ba na sa kabila ng ating karumihan at kasalanan mahal pa rin tayo ng ating Ama sa langit? Gusto Niyang  bihisan tayo ng kaligtasan. We can never undo our past, but  Jesus’ holy and righteous blood is our best covering. Kahit ano pang sabihin ng iba, wala nang guilt, shame, at regret ang makakapigil sa atin!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, alam Mo po ang aking pangit na nakaraan. Marami akong naging kasalanan at nahihiya ako sa Iyo. Patawarin Mo po ko at ako’y Iyong linisin. I receive Your forgiveness, and please cover me with Your holy and precious blood.

APPLICATION

Wear your best clothes from your cabinet, and go to a church and worship God together with others. Click the Chat button if you need assistance to find a Christian community or a church in your area.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 9 =