19

DECEMBER 2025

Sana Ngayong Pasko

by | 202512, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by ​​​​​​​​​Justin Meel N. dela Cruz

How we wish ang lahat ay masaya sa pagsapit ng Pasko. Pero paano kung dahil sa ilang kadahilanan ay mahirap magsaya sa panahong ito? Paano natin ise-celebrate ang Pasko?

Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa. Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Jesus upang isama sa kanya.

1 Mga Taga-Tesalonica 4:13–14

Tuwing sasapit ang Pasko, inaasahan ng marami ang malalaking celebration. Parties kaliwa’t kanan, bonggang handa, mga regalo, at pagsasama-sama ng mga pamilya at mga magkakaibigan. In reality, hindi ganito ang Pasko para sa lahat. Just take for instance ang pamilya nina Emerald. Namatay sa stroke ang tatay niya sa araw mismo ng Pasko noong nakaraang taon. Dahil sa sad memories, hindi niya alam ang magiging itsura ng Pasko nila ngayong taon. Hindi siya excited mag-party, bumili ng regalo o mag-celebrate kasama ng ibang tao dahil naaalala niya ang bigat at lungkot ng pagkawala ng tatay niya.

Paano nga ba magsi-celebrate ng Pasko kung nawalan ka ng mahal sa buhay dahil sa sakit, sa aksidente, o iba pa mang kadahilanan? OK lang bang malungkot at hindi magsaya kagaya ng ine-expect ng karamihan? Is it alright for us to celebrate Christmas in a different way?

The meaning of Christmas is not found in the traditions that we were used to not the parties nor the gifts that we exchange with one another. The very essence of Christmas is the message of hope that Jesus brought into humanity amidst the world’s brokenness. Jesus is the reason why people who lost their loved ones could grieve yet still have hope and not be buried in despair. 

Maaaring mapuno ng lungkot ang Paskong darating para sa iyo. Wala mang mga regalo o malaking celebration sa inyong pamilya, hold on to the hope found in Jesus. Sa gitna ng inyong kalungkutan, maipagdiriwang pa rin ninyo ang tunay na diwa ng Pasko.

Sa gitna ng kalungkutan, maipagdiriwang pa rin natin ang tunay na diwa ng Pasko. May you experience the peace, joy, and hope that only comes from Jesus, our Messiah.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, sa nalalapit na Pasko samahan mo po ako sa aking kalungkutan. Tulungan Mo po ako at ang aking pamilya na makita ang pag-asa na nagmumula sa Iyo sa gitna ng aming pagdadalamhati. Bigyan Mo kami ng lakas at pananampalataya upang magsama-sama at alalahanin ang tunay na diwa ng Pasko.

APPLICATION

I-meditate ang Awit 34:18: “Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.” Isulat sa journal ang iyong tunay na nararamdaman at hayaan mong samahan ka ni Jesus sa lalim ng iyong pagdadalamhati sa pagsapit ng Pasko.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 6 =