1

JANUARY 2026

Ang Bagong Taon na Hindi Mo Inakala

by | 202601, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Peter Adelberth Ocampo

Sabihin mo sa mga Israelita na ang unang araw ng ikapitong buwan ay Araw ng Pamamahinga, araw ng inyong banal na pagtitipon. Ipapaalam ito sa pamamagitan ng tunog ng mga trumpeta.

Levitico 23:24

Noong sinubukan ni Pastor Adel na alamin ang pinagmulan ng ating New Year traditions, akala niya ay karamihan sa mga ito ay impluwensya lang ng mga Chinese dahil sa paputok, matatamis na handa, panalangin, at panibagong simula. Pero nang mas lumalalim ang kanyang pag-aaral, one thing surprised him: ang mga tradisyon natin ay may matinding pagkakahawig pala sa Rosh Hashanah — ang Bagong Taon ng Israel.

Sa Rosh Hashanah, hinihipan ang shofar (parang torotot o paputok); may panalangin at pag-aayuno (katulad ng paniniwalang “bawas malas”); at may matatamis na pagkain (tulad ng tikoy at prutas) bilang panalangin para sa masaganang taon. Pero higit sa lahat, ang mga nagdiriwang nito ay nagbabatian ng, “Nawa’y maisulat ang iyong pangalan sa Aklat ng Buhay!” Hindi ba’t para itong pagbati ng “Manigong Bagong Taon” — isang hangaring maging masarap at masagana ang susunod na taon?

Ang Rosh Hashanah, o Bagong Taon ng mga Judio, ay tinatawag sa book of Leviticus na “Day of Trumpets” (Leviticus 23:24). Itinakda ito ni Yahweh para ipagdiwang ng mga Israelita sa unang araw ng ikapitong buwan. Sa panahon natin ngayon, ito ay isang paalala na ang tunay na bagong taon ay hindi lang kasayahan, kundi isang sagradong panahon ng pagsisiyasat ng sarili at muling pagtatalaga ng ating buong buhay sa Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa panibagong simula na Kayo mismo ang nagtakda. Hindi ito tungkol sa panlabas na selebrasyon kundi sa panloob na pagbabago. Mangusap Kayo sa akin upang gisingin ako sa Inyong layunin. Turuan Ninyo akong lumakad sa kabanalan ngayong taon. Amen.

APPLICATION

Bago natin isulat ang ating New Year’s resolutions, bakit hindi muna natin suriin ang puso natin? Ano ang dapat nating baguhin? Anong kasalanan ang dapat nating iwan? Huwag lang tayong magpalit ng taon — magpalit tayo ng direksyon pabalik sa Diyos.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 13 =