23
FEBRUARY 2026
Pride Check
Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama’y maging mababa.
Juan 3:30
May kilala ka bang taong mataas ang posisyon pero marunong pa ring magpakumbaba? Sa panahon ngayon, pride can be a hindrance sa paghingi ng tulong, sa pagiging vulnerable, at pagpapakita ng kahinaan. Ganito rin si Nicodemus — isang Pharisee o expert sa batas ng Diyos at nirerespeto ng Jewish people. Hindi siya nakuntento hangga’t hindi niya nahanap ang katotohanan. Ngunit dala ng takot sa sasabihin ng iba, lumapit siya kay Jesus sa gitna ng gabi kung kailan walang ibang makakakita sa kanya. Unti-unti siyang naging willing na isantabi ang pride para mas makilala ang Diyos.
Nakaka-relate ka ba? Madalas din, dahil sa pride, takot tayong magpakita ng weaknesses. Minsan, alam natin na may dapat ayusin sa atin, pero ayaw nating ipakita sa iba ang ating kahinaan. Pero kung isasantabi natin ang pride ay magiging mas open and willing tayong lumapit sa Diyos.
Inamin ni Nicodemus na meron siyang hindi nauunawaan. At dahil dito, narinig niya ang isa sa mga revolutionary teachings ni Jesus sa Juan 3:3, “Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” Ito ang patunay na we can come to Jesus with humility dahil hindi sapat ang ating own knowledge or our “inherited” religious beliefs. Kailangan natin ng bagong puso — pusong handang matuto, handang sumuko, at handang ipaubaya sa Diyos ang sagot sa ating mga katanungan.
Maging si John the Baptist, in the same chapter in John, ay kinilala si Jesus na Diyos. Ang sabi niya, “Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama’y maging mababa.” (Juan 3:30) When we keep our pride in check, we learn to let it go and make room for God’s will and purpose.
LET’S PRAY
Panginoon, patawarin Ninyo ako kung nauuna ang pride kaysa makinig sa Inyo. Nahihirapan akong magtanong, magpakita ng kahinaan, o amining marami akong kailangang matutunan. Tulungan Ninyo akong maging tulad ni Nicodemus — handang making sa Inyong katotohanan. Sa pangalan ni Jesus, ito ang aking dalangin. Amen.
APPLICATION
Maglaan ng oras ngayong linggo para tanungin ang sarili mo: “May mga areas ba sa buhay ko na ayaw kong buksan sa Diyos dahil sa pride?” Lumapit ka sa Kanya at isuko ito.
SHARE THIS QUOTE
