16
MARCH 2026
Ano ang Multo Mo?
Sumagot si Moises, “Sino po ako para humarap sa Faraon at ilabas ang bayang Israel mula sa Egipto?” “Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang aking bayan,” sabi ng Diyos.
Exodo 3:11–12
May moment ka ba na parang minumulto ka ng nakaraan mo? Mga multo na nagpapaalala sa ’yo ng mapait na nakaraan, mailap na pangarap, Ipinagkait na promotion, kasalanang pinagsisihan, and things you choose to let go. Siguro marami ka pang idadagdag sa listahan.
Kung tatanungin natin ang Bible character na si Moses ay meron din siyang puwedeng maikuwento sa atin. Marahil kilala siya dahil sa parting of the Red Sea at Ten Commandments, pero bago siya naging si Moses na sugo ng Diyos ay isa siyang prinsipe ng Egypt. Noong bata pa siya ay nakita siya sa ilog ng Egyptian princess at siya’y pinaalagaan at itinuring na sariling anak nito. Pero ito ang interesting part: noong binata na siya, nakita niya ang pagmamalupit ng isang Egyptian sa kanyang kalahi. Pinatay niya ito at itinago ang bangkay sa buhangin sa pag-aakalang walang nakakita ng ginawa niya. But he was wrong. Dala ng matinding takot at tangkang pagpatay ng Pharaoh, tumakas siya papuntang Midian. Doon na siya nagtago at tumanda.
But the Lord had another plan for his life. Naging multo man ang Egypt sa kanya, pinili siya ng Diyos to free the Israelites from slavery in the hands of the Egyptians. Nagduda man siya sa sarili, sinabi ni God sa kanya, “Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang aking bayan” (Exodo 3:12). At nagtagumpay nga siya sa kanyang misyon.
God sees beyond our actions and knows our hearts and intentions. He looked at Moses not for who he was but for who he could be. Kung may multo man tayo sa buhay, meron tayong makapangyarihan at mapagpatawad na Diyos na naghihintay sa atin. Handa Siyang palayain tayo at bigyan ng makabuluhang buhay.
LET’S PRAY
Lord, I ask for Your forgiveness. Tulungan Ninyo akong makalaya sa mga multo ng nakaraan. I trust that by Your grace You will give me freedom and a good future. Amen.
APPLICATION
Watch The 700 Club Asia on YouTube, and be inspired by how God transformed the lives of many people.
SHARE THIS QUOTE
