21

MARCH 2026

How to Chase the Blues Away

by | 202603, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Marlene Legaspi-Munar

Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita’y may dulot na kasiglahan.

Mga Kawikaan 12:25

Balisa si Mang Benjie. Hindi niya alam kung paano mapapagtapos sa pag-aaral ang dalawa niyang anak na nasa elementary pa lamang. Siya lang ang kumikita sa kanilang pamilya, kaya saan siya kukuha ng pang-tuition ng mga bata? Dahil sa pag-aalala, hindi siya tuloy makatulog sa gabi, nawawalan ng gana sa pagkain, at laging sumasakit ang ulo sa hindi malamang dahilan. Na-depress nang tuluyan si Mang Benjie. Maraming beses na siyang niyayaya ng kanyang misis na umattend sila sa isang Bible study, hanggang sa wakas ay sumama na rin siya. At doon lumalim ang pagkakakilala niya sa Panginoon. Ipinagkatiwala niya sa Diyos ang kanyang pinoproblema at unti-unting nagbalik ang kanyang sigla.

Nababalisa ka rin ba? Napakalaki ba ng iyong need pero kulang ang resources mo? Are you feeling hopeless because you missed that one big opportunity and you think you will never be given another chance? Sunod-sunod ba ang challenges mo sa buhay and you feel helpless? These things and many others can cause depression gaya ng nangyari kay Mang Benjie. Sabi sa Mga Kawikaan 12:25, “Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita’y may dulot na kasiglahan.”

Because the Word of God is Good News, nang marinig ni Mang Benjie ang Salita ng Diyos, nagkaroon siya ng pag-asa. Naunawaan Niya na hindi pababayaan ng Diyos ang kanyang pamilya. Natagpuan niya sa Philippians 4:19 (NKJV) ang katotohanang “God shall supply all your need according to His riches in glory by Christ Jesus.” Pinaniwalaan niya na ang Diyos ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya (Romans 8:28); at natutunan niya na kapag nasa Panginoon ka, mangyayari ang kalooban ng Diyos sa takdang panahon (Ecclesiastes 3:11; Psalm 31:1415). Ang pruweba? Nagkaroon si Mang Benjie ng ibang mapagkakakitaan at nakapagtapos ng pag-aaral ang dalawa nilang anak.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, mangusap Kayo sa akin ngayon at pasiglahin Ninyo ako ng Inyong Banal na Salita.

APPLICATION

Plan to read the Bible regularly and note the promises of God for you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 13 =