15
APRIL 2026
Ang Kapalit ng Pagsuway sa Utos
Samantala, ang Espiritu ni Yahweh ay umalis na kay Saul at sa pahintulot ni Yahweh, isang masamang espiritu naman ang nagpahirap kay Saul.
1 Samuel 16:14
Kapag pinag-usapan ang mga salitang “consequence ng kasalanan” marahil maraming hindi papansin sa content at baka nga ma-bash ka pa ng iba. Pero kahit iwasang pag-usapan ito, hindi tayo makakatakas sa katotohanan na may kapalit ang bawat pagsuway.
Ang kuwento ni King Saul sa 1 Samuel ang isa sa mga classic example kung ano ang naging kapalit ng pagsuway sa utos ng Diyos. Sa pamamagitan ni Prophet Samuel si Saul ang hinirang na hari ng Israel. Pero later on, sinuway niya ang utos ng Diyos. Noong tinanong siya ni Samuel kung bakit niya sinuway ang utos ng Diyos, hindi niya agad inako ang kasalanan but defended himself. Kapalit nito ay ang pag-alis ng Espiritu ng Diyos sa kanya, ang Espiritu na nagbigay sa kanya ng kapangyarihan, kalakasan, at katagumpayan. At mula noon ay isang masamang espiritu ang nagpahirap sa kanya. And to top it all, God anointed another king to replace him.
Saul reaped the consequences of his disobedience, pero bago natin isipin na naging napakabigatng consequences sa kanya, alalahanin natin na masakit sa puso ng Diyos tuwing tayo ay sumusuway sa Kanya. Hindi Niya gustong magdusa tayo. He is fully aware of the weight of our sin, and it’s in His heart to discipline, redeem, and restore us. If God allowed Saul to continue to rule, tiyak na matinding pagdurusa ang sasapitin ng Israel sa kanyang patuloy na paghahari.
Ang kapalit ng pagsuway sa utos ng Diyos ay kamatayan. At iyan ang sinapit ng ating Panginoong Jesus sa krus ng kalbaryo. Namatay Siya para pagbayaran ang ating kasalanan. Kamatayan na laan para sa atin. Sa laki ng pagmamahal Niya sa atin inako Niya ang kamatayan at muling nabuhay matapos ang tatlong araw upang tayo’y mabigyan ng panibagong panimula at buhay na walang hanggan.
We can never reverse the consequences of our sin, but we can always choose to turn to Jesus and let Him do His sovereign work to redeem and restore us.
LET’S PRAY
Lord, I humbly admit that I have sinned. I can never erase what I’ve done so forgive me, and please restore my heart and the people I’ve hurt and affected. I trust in Your saving grace. Amen.
APPLICATION
When was the last time you repented before the Lord? Humbly ask for forgiveness for your unconfessed sins and let Him redeem and restore you.
SHARE THIS QUOTE
