1

MAY 2026

Magtrabaho nang Marangal

by | 202605, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Marlene Legaspi-Munar

Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan.

Mga Taga-Efeso 4:28

Kapag pinagkukuwentuhan ng mga classmate ni Mia ang trabaho ng kanilang mga magulang, nahihiya siyang sumali. Kung hindi OFW, employee, professional, o di kaya ay may negosyo ang kanilang parents. Ang tatay niya? Janitor sa isang public school. Kaya lang siya nakapasok sa university ay dahil nabigyan siya ng scholarship. Alam naman niya na nagsisikap ang tatay niya, pero hindi lang niya maipagmalaki sa mga classmate niya.

Minsan, habang nagreresearch siya para sa kanyang economics class, nalaman niya na maraming mayayamang businesspersons ang hindi nagsimulang maykaya o di kaya ay nagkaroon ng white collar job kaagad. Ang first job ng ilan sa kanila ay magtinda ng mani sa mga kaklase, maglako ng hipon sa palengke, magbantay sa sari-sari store, at magtapon ng basura — gaya ng ginagawa ng tatay niya. Na-realize niya na everyone has their small beginnings, pero kung hindi man mayaman ang tatay niya, hindi niya ito dapat ikahiya. Maipagmamalaki niya ang kasipagan at katapatan nito.

The Bible commends honest hard work. “If you used to rob, you must stop robbing and start working, in order to earn an honest living for yourself and to be able to help the poor” (Ephesians 4:28, GNT). Working to earn an honest living is definitely something to be more proud of than earning money from deceitful means. Ang motivation  natin ay ang magtrabaho nang buong sipag at tapat. Why? Dahil ang Diyos ang nagbigay ng pagkakataon para tayo makapagtrabaho at Siya rin ang maggagantimpala sa atin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear God, thank You for giving me a job. Help me to work honestly and excellently for Your glory. I trust that You are the One who will ultimately reward me.

APPLICATION

Ipag-pray ang mga taong naghahanap ng trabaho at ang mga taong naghahanapbuhay pero hindi sa marangal na paraan. Use Colossians 3:23, Ephesians 4:28, and Romans 8:28 as guide.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 2 =