15

MAY 2026

Plugged In

by | 202605, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Luisa Collopy

“Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo.”

Juan 15:4

Uso ngayon ang pagiging eco-friendly. In fact, many car companies have been moving toward making electric vehicles (EV), mga sasakyang makakabawas sa emission ng pollutants tulad ng carbon dioxide at nitrogen dioxide. Pero isang bagay ang mahalagang tandaan ng EV car owners: Read the manufacturer’s guidelines kung paano at kailan dapat i-plug in ang car battery para gumana ito nang maayos at maging laging handa for city driving or long-distance travel.

We can be compared to EV cars. Hindi natin kayang mag go-go-go lang without recharging. Physically, kailangan natin ang self-care kung saan ay meron tayong sapat na tulog, pagkain at exercise or other activities that increase our heart rate. Makikita rin natin ang magandang effect nito sa ating emotional and mental well-being.  

Pero higit sa lahat, we need to be spiritually plugged in. And it’s good for us to read the Bible, our manual for living. Sinabi ni Jesus, “Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin” (Juan 15:4). Hindi kailangang ma-low batt bago pa tayo mag-plug in dahil ang salitang manatili ay katumbas ng patuloy at walang tigil.

Ikalawa, kung naka-plug in tayo sa Panginoon, we have staying power dahil sa main powerline, ang dakilang kapangyarihan, nanggagaling ang lakas na tinatanggap natin (Ephesians 6:10). Higit pa sa 300 kilometers ng EV battery life o driving to Sagada or to Mayon Volcano from Manila ang makakaya nating takbuhin.

Ikatlo, may benefit ang plugging in to Jesus. We can gain love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness and self-control, ang fruit of the Spirit na mabisang panlaban sa ating worldly desires and negative behaviors (Galatians 5:2223). Tiyak na unti-unting mababawasan ang ating polluted and toxic attitudes!

Fully charged ka ba? Let’s go!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa Inyong mga salita na nagpapaalala ng kahalagahan ng isang relasyon sa Inyo. Help me to remain in You every day, so You can lead me.

APPLICATION

Think of an instance when you needed to recharge. Paano mo ito ginawa? Kung meron kang gustong baguhin sa ginawa mo, ano ito at bakit?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 10 =