28

AUGUST 2026

Manifesting My Wants or Trusting God’s Will?

by | 202608, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Manuel Zabat II

Ang isang tao’y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.

Mga Kawikaan 19:21

Narinig mo na ba ang popular term na ginagamit ngayon na “manifesting”?

Ito raw ay isang practice na galing sa Law of Attraction. Sabi nila, isipin mo lang nang isipin, i-claim mo sa universe, at parang Lazada delivery, darating na lang ito sa buhay mo. Sa totoo lang, medyo exciting pakinggan! Nakaka-thrill ang idea na baka bukas, biglang mag-appear sa iyo ang dream house, dream job, o dream jowa mo.

Pero ang tanong, totoo ba ito?

Maraming naniniwala, pero ang hindi nila alam: ang universe mismo ay creation lang ng Diyos. At ayon sa Kanyang Salita, “Many are the plans in a person’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails” (Proverbs 19:21, NIV). Sa madaling salita, si God ang may control. Hawak Niya ang lahat — pati future natin — and that is such a comforting truth! Dahil mabuti ang Diyos at alam Niya kung ano ang best para sa atin, we can be assured na kahit blessings o trials, and everything else, are sifted through His hands bago umabot sa atin.

Isa pa, hindi lahat ng gusto natin ay best ni Lord para sa atin. Minsan, gusto na natin agad-agad, pero alam ng Diyos na hindi pa tamang oras. O kaya naman, may hinahangad tayo na akala natin makakabuti, pero alam Niya na makakasama pala ito para sa atin in the long run. Kaya delikado kung puro manifesting ang aasahan natin. Hindi ito guarantee ng tunay na fulfillment.

Ang tunay na secured at thriving life ay ‘yung nakasuko sa Diyos. Hindi masama mangarap o magplano — pero mas mahalaga ang magtiwala. Instead of “attracting” the life you think you want, surrender to the God who knows exactly what you need — at the right time, in the right way, and always out of His perfect love.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, help me to trust in Your goodness and Your love for me. Let Your will be done in my life. Amen.

APPLICATION

You can plan your future by surrendering it to the Lord. Write down your future goals and ask the Lord for wisdom every day to help you by His guidance, correction, or redirection.  

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 12 =