11

OCTOBER 2026

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Peter Adelberth Ocampo

Welcome ulit sa ating series na “Life Detox.” Sa nakaraang dalawang topics, tinalakay natin ang paglilinis ng puso at isip. Ngayon, dumako naman tayo sa isa pang mahalagang bahagi ng ating pagkatao na kailangan din ng detox: ang ating katawan.

Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

1 Mga Taga-Corinto 6:20b

Nasanay tayong isipin na ang katawan natin ay “atin.” Gusto nating kumain ng gusto natin, gawin ang gusto natin, at minsan, abusuhin ito kasi feeling natin, katawan naman natin ‘to. Pero malinaw ang sabi ni Apostle Paul sa 1 Mga Taga-Corinto 6:19-20 (TLAB): “Hindi kayo sa inyong sarili… kayo’y binili sa isang halaga.” In other words, hindi mo pag-aari ang katawan mo. Pag-aari ito ni Jesus.

Kaya ngayon, tanungin natin ang ating sarili: Paano ko ginagamit ang katawan ko? Sa pagbibigay ba ng glory kay Lord o pang-satisfy lang ng sarili? Ang pag-aalaga sa katawan ay physical, oo, pero ang ultimate goal nito ay spiritual. Hindi lang ito diet o “no rice, no sugar, no caffeine.” Ito ay pagdedesisyon na i-surrender ang buong katawan mo sa Panginoon bilang isang living sacrifice.

Ang tunay na detox sa katawan ay pag-surrender ng mga habit na nakakasama sa kalusugan at hindi nakakatulong sa iyong calling. May mga simpleng adjustment tulad ng pagtulog nang tama, pagpili ng healthy food, pag-iwas sa sexual sin, o kahit pagpapahinga sa tamang oras — na nagiging act of worship. Because when you treat your body as God’s temple, you’re not just caring for yourself but you’re also honoring your Savior. Hindi mo kailangang maging perpekto. Ang gusto ni Lord ay willing ka. Willing na alagaan ang katawan hindi dahil sa vanity, kundi dahil gusto mong magtagal sa pagsunod sa calling mo mula sa Kanya. May you say: Lord, this body is Yours. Gamitin Ninyo para sa layunin Ninyo.

Sana’y naging malinaw sa atin ngayon ang kahalagahan ng paglilinis ng ating katawan. Patuloy tayong mag-reflect at maghanap ng katotohanan. Abangan ang susunod nating topic sa “Life Detox”!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa katawan na ibinigay Ninyo sa akin. Patawarin Ninyo ako kung minsan, hindi ko ito inaalagaan. Ngayong araw, sinasabi ko na ang katawan ko ay para sa Inyo. Tulungan Ninyo akong tanggalin ang mga bisyo, bad habits, at anumang gawain na hindi Ninyo kalooban. Bigyan Ninyo ako ng disiplina, karunungan para magdesisyon nang tama, at malasakit sa sarili, para magamit Ninyo ako nang mas mahabang panahon, sa mas malalim na paraan, at nang ako’y maging mas mabunga. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Ano ang habits na nakakasama sa iyong kalusugan o hindi nagbibigay-puri sa Diyos? Magdesisyon na isuko ang mga ito at palitan ng mga gawi na nagpaparangal sa Kanya. Simulan sa maliit na hakbang, tulad ng pagpili ng mas masustansyang pagkain o paglaan ng sapat na oras para sa pagpapahinga.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 7 =