19

OCTOBER 2026

Glass Half Full or Half Empty?

by | 202610, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by J. Silvestre C. Gonzales

Hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban.

Mga Taga-Roma 12:2b (MBBTAG12)

Nagkita ang magkaibigang sina Orly at Benjie sa isang mall sa Caloocan. Si Orly ay na-stroke 2 years ago. Paralyzed pa rin ang kanyang kaliwang parte ng katawan. Pero dahil sa regular therapy, nakakalakad na siya nang walang tungkod.

Nagkikita sila every 3 months para magkuwentuhan. Dati silang magka–opisina perodahil sa stroke, nawalan na ng trabaho si Orly. Umaasa na lang siya sa kanyang asawa na may magandang trabaho. May dalawa silang teenager na anak.   

Alam ni Orly na mahal siya ng kanyang asawa. Ngunit may mga sandaling naiisip niya na marahil napapagod na rin ang kanyang asawa. Feeling niya ay pabigat lang siya sa pamilya.

Siya ang dating breadwinner ng pamilya. Mataas ang katungkulan sa opisina at malaki ang sahod. Siya ang dating inaasahan, ang takbuhan kung may mga gastusin. Ngayon ay umaasa na lang siya sa kanyang asawa. At napansin niya na hindi na siya pinapansin katulad ng dati. Marahil ay dahil wala na siyang maiabot sa kanila.  

“Hindi tama ang iniisip mo,” payo ni Benjie. “Ikaw pa rin ang padre de familia. Nandoon pa rin ang kanilang pagrespeto sa iyo. Mas nagiging sensitive ka lang dahil sa kalagayan mo. Ang feeling mo pabigat ka sa kanila.” 

“Oo nga, Benjie,” sagot ni Orly. “Madalas negative ang naiisip ko. Ang aking buong pagkatao ay nakatali lamang sa aking trabaho. Kaya nang nawala ang trabaho ko, bumaba na rin ang pagtingin ko sa sarili.” Dagdag pa ni Orly, “Kaya tuloy naapektuhan din ‘yung pagtingin ko sa kanila.”

Sumang-ayon si Benjie sa kanyang kaibigan. “Naging sensitive ka na sa  responses ng asawa at mga anak mo. Marahil ay hindi lang physical therapy ang kailangan mo. Kundi pati na rin mental therapy.”  

Naalala ni Benjie ang nabasa niya sa Romans 12:2 tungkol sa pagbabago ng isip. Kaya ahabol  niya kay Benjie, “Marahil ikaw ay isang ‘glass-half-empty’ person. Medyo pessimistic ka at nakikita mo palagi ang negative side. Baguhin mo ang iyong pananaw. Maging ‘glass-half-full’ person ka. Magiging mas positive ang outlook mo.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po sa paalala na maging “glass–half–full person” ako. Tulungan po Ninyo ako upang maging positibo ang pagtingin ko sa buhay.

APPLICATION

Ilista mo ang  negative thoughts na pumapasok sa isip mo. Isurrender mo iyon sa ating Panginoon at humingi ng lakas para mas maging optimistic ka.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 15 =