18

OCTOBER 2026

Mahirap Kang Mahalin, Pero Mahal pa rin Kita

by | 202610, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Paula Mae Villanueva-Clapano

Ngunit pagyamanin ninyo ang lunsod na pinagdalhan ko sa inyo. Idalangin ninyo sila kay Yahweh sapagkat kayo rin ang makikinabang kung sila’y umunlad.

Jeremias 29:7

“Hay, Pilipinas, ang hirap mong mahalin.” Nakakarelate ka ba? Paulit-ulit na balita ang naririnig natin tungkol sa Pilipinas: korapsyon, trapik, basura, pulitika, kahirapan, krimen. Minsan mapapatanong ka na lang, “May pag-asa pa ba tayo?”

Pero kahit ganito, may panawagan si Lord sa atin: Pray for the Philippines. Sa Jeremiah 29:7, sinabi ng Diyos sa mga Israelita na ipanalangin ang peace and prosperity ng Babylon kung saan sila ipinatapon — kahit hindi ‘yun ang “dream land”nila. Bakit? Sabi Niya, “Because if it prospers, you, too, will prosper.”

Yes, God is pleased when we pray for our nation and for the place where we are currently living, if we are living overseas. He is honored when we love our country even when it’s hard to do. He is glorified when we obey the law, support what’s right, and respect our leaders — even while holding them accountable.

Mahal ng Diyos ang Pilipinas. At bilang mga anak Niya, tinawag din tayong mahalin ito — hindi lang sa salita, kundi sa gawa.

What can we do as Filipinos?

Una, ipagdasal ang bayan.

Pangalawa, maging law-abiding, kahit walang bantay — tulad ng pagtatapon ng basura sa tamang basurahan.

Pangatlo, huwag ikahiya ang lahi at gamitin ang influence para sa tama.

At pang-apat, maglingkod, kahit sa simpleng paraan — mag-volunteer o tumulong sa mga elderly.

True patriotism is not blind loyalty. It is the kind of love that keeps praying and working for the good of the nation, kahit mahirap. It is love that believes there will be better days for the country. And through this, we also honor God.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, turuan Ninyo akong mahalin ang Pilipinas sa paraan na gusto Ninyo. Help me to obey the laws of our land and to always pray for the betterment of this nation. PalaliminNinyo pa po ang pag-ibig ko sa bansang ito.

APPLICATION

Pagod ka na bang mahalin ang Pilipinas? Sabihin mo ’yan kay Lord, pero huwag kang sumuko. Ipag-pray mo ngayong araw ang mga laman ng balita tungkol sa Pilipinas.  

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 2 =