2

NOVEMBER 2026

Bargaining

by | Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Via Antonio & Written by Luisa Collopy

“Humingi kayo at kayo’y bibigyan… Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap…”

Mateo 7:7–8

Nagbakasyon sa Mexico ang isang mag-asawa. Habang sila ay nasa beach, lumapit ang isang naglalako ng colorful blankets. Tinanong ni misis kung magkano ang halaga ng isa. “One hundred twenty dollars,” ang sabi ng tindero. “Bibili ako ng tatlo for $120,” ang counteroffer ni misis. Back-and-forth ang tawaran. In the end, nakabili si misis ng isang blanket for $80.

Mahilig ka rin bang makipag-bargain? Sa palengke ay sanay tayong tumawad sa presyo o di kaya ay humingi ng dagdag na paninda kung hindi matawaran. Kapag nasa Greenhills o Baclaran naman, marami ring dumidiskarte sa bargaining.

Si Abraham ay expert sa bargaining. Nang marinig niyang sabihin ni Yahweh na wawasakin ang Sodom dahil sa labis na kasamaan ng mga naroroon, nag-haggle agad siya. Doon kasi nakatira ang kanyang pamangking si Lot at ang pamilya nito at nasa panganib ang buhay nila.

“Sakali pong may limampung mabubuting tao sa lunsod, wawasakin pa rin ba ninyo iyon? Hindi po ba ninyo patatawarin ang lunsod alang-alang sa limampung iyon?” ang tanong ni Abraham kay Yahweh (Genesis 18:24). At nang marinig ang positive response ng Diyos, sumubok ito ng lower number — apatnapu’t lima. Nang OK pa rin ang narinig na sagot ng Diyos, hindi tumigil si Abraham sa pagtawad hanggang sa dumating sa last opportunity. “Ito na po lamang itatanong ko: Paano po kung sampu lamang ang mabubuting tao roon?” “‘Hindi ko pa rin wawasakin ang lunsod alang-alang sa sampung iyon,’ ang sagot ni Yahweh” (v. 32).

Nakita mo ba ang resulta ng bargaining ni Abraham? Successful siya! Ganyan din ang invitation sa atin ng Panginoon ng sinabi Niya, “Humingi kayo at kayo’y bibigyan… Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap…” (Mateo 7:7–8).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon,  lumalapit ako sa Inyo with confidence, knowing that You are inviting me to ask so I can receive with joy.

APPLICATION

Isipin kung ano ang iyong hinihingi sa Panginoon at kung gaano katagal mo na itong ipinagdarasal. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit hindi mo pa ito tinatanggap? Makinig sa maaaring sabihin sa iyo ng Diyos.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 11 =