23

NOVEMBER 2026

Build a Business with a Purpose

by | 202611, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Jerryca Dolon

Kabilang dito ang isang sumasamba sa Diyos na nagngangalang Lydia na taga-Tiatira; siya’y isang negosyante na nagtitinda ng mamahaling telang kulay ube. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip at kanyang pinaniwalaan ang ipinapangaral ni Pablo. Nagpabautismo siya at ang kanyang buong pamilya. Pagkatapos, sinabi niya, “Kung itinuturing po ninyo akong tunay na lingkod ng Panginoon, doon na kayo tumuloy sa amin.” At tinanggap naman namin ang kanyang paanyaya.

Mga Gawa 16:14–15

Sa panahon ngayon, marami ang busy sa career growth, profit goals, o personal success. Pero paano kung ang mismong career mo ay ang maging tulay para maipakilala si Jesus Christ sa iba? Sa Acts 16, may isang negosyante na nagbebenta ng mamahaling purple cloth, a symbol of wealth and high economic status noon. Isa siyang masipag na businesswoman. Pero higit sa lahat, siya ay sumasamba sa Diyos. 

Isang araw, habang nakikinig siya kay Pablo sa tabi ng ilog, binuksan ng Diyos ang kanyang puso. Tinanggap niya si Jesus, at hindi lang siya ang pinagpala — ang buong sambahayan niya rin! Pagkatapos niyang ma-baptize, binuksan niya ang kanyang tahanan para sa mga lingkod ng Diyos, at doon nagsimula ang isa sa mga unang simbahan sa Europa.

Ang negosyo ni Lydia ay hindi lang tungkol sa profit; ito ay naging platform ng ministry. Sa pamamagitan ng kanyang business, nagkaroon ng lugar para sa pagsamba, pag-aaral ng Salita ng Diyos, at pagpapalakas ng pananampalataya ng iba.

Kung tutuusin, hindi kailangang maging pastor o missionary para magamit ng Diyos. Maaaring gamitin Niya ang iyong trabaho, negosyo, o propesyon bilang mission field. Puwede kang maging daluyan ng liwanag at biyaya ng Diyos sa iyong opisina, online store, o clients na nakakasalamuha mo. 

Si Lydia ay patunay na kahit sa marketplace, puwedeng umusbong ang gawain ng Diyos. Kapag si Jesus ang center ng iyong career, hindi lang substantial  profit kundi pati devoted hearts and transformed lives ang puwedeng maging resulta nito.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po sa opportunities na maging pagpapala sa trabaho at negosyo. Turuan po Ninyo akong gamitin ang business, career, at abilities ko hindi lang para sa sariling success kundi para sa Inyong glory. Tulungan Ninyo akong maging tapat na witness in places kung saan ako nakatanim. Amen.

 

APPLICATION

Ask yourself: “Paano ko magagamit ang trabaho o negosyo ko para maglingkod sa Panginoon at sa aking kapwa?” Maglista ng mga paraan, starting with small things gaya ng pag-share ng encouraging verses sa iyong teammates, pagpapakita ng kindness sa iyong customers, at pagpe-pray para sa iyong mga kasamahan sa work.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 1 =