22

NOVEMBER 2026

Ang Diary ng Hinanakit at Sama ng Loob

by | 202611, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Alma S. de Guzman-Santos

Magpasensiya kayo sa isa’t isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

Mga Taga-Colosas 3:13

Sa edad na animnapu’t anim, araw-araw pa ring binabalikan ni Linda ang mga sama ng loob at hinanakit niya sa buhay.  Bagama’t maraming magagandang bagay din naman ang kanyang naranasan, mas naka-focus talaga siya sa mga negative na nangyari. Wala ring nakakaligtas sa mapanuri niyang mata — automatic na negative ang napapansin niya. Bukod diyan, meron siyang  diary ng hinanakit at sama ng loob kung saan nakasulat ang mga offense na nagawa ng ibang tao sa kanya.

Can you imagine yourself living in resentment and bitterness for a long time? Hindi natin laging maiiwasang makaramdam ng sama ng loob, pero pinapaalalahanan tayo ng Salita ng Diyos na matutong magpasensya at  magpatawad.

Kadalasan, hindi natin namamalayan na ang nagtutulak sa atin para maging bitter ay ang pride sa ating mga puso. Ang pride na ayaw magpatalo at gustong patunayan na entitled tayo sa anumang iniisip at nararamadaman natin.


Pero sa buhay na ito, hindi kailanman kalooban ng Diyos na mamuhay tayo na nakakulong sa unforgiveness at negativity. After all, hindi masayang mabuhay kung puro sama ng loob ang paiiralin. Kaya naman hindi pa huli ang lahat — puwede pang magbago ang pusong nakatali sa sumpa ng hinanakit.

Jesus is inviting us to turn our hearts to His love. Hindi madaling bitawan ang hinanakit, pero sa tulong ng pag-ibig at pagpapatawad Niya, maaari tayong magbago. Kung paanong pinatawad Niya tayo, magpasensya rin tayo, magpatawad, at mamuhay nang malaya sa hinanakit at sama ng loob.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, sinusubukan kong magpatawad, pero nahihirapan akong makalaya sa mga hinanakit at sama ng loob. Tulungan Ninyo ako at ipaalala NInyo sa akin ang Inyong kabutihan at pagpapatawad sa lahat ng aking mga kasalanan. Salamat sa Inyong pagmamahal. Amen. 

APPLICATION

Pasalamatan mo ang isang tao sa buhay mo na palagi kang pinapatawad at inuunawa sa kabila ng mga kasalanan at pagkukulang mo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 4 =