12
JULY 2024
A Call to Be Considerate
Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.
Mga Taga-Filipos 2:4
Isa ka ba sa mga bumili ng lato-lato para sa anak o di kaya’y para sa sarili? Tulad ng karamihan, na-challenge ka rin bang matutunan ito? Nung natuto ka na, nawili ka rin ba masyado? Nung nawili ka na, na-motivate ka bang maging mas magaling pang mag-lato-lato kaysa sa pinakamagaling sa eskinita ninyo?
Para maabot mo ang level na matatawag na “astig” mag-lato-lato, siguro nakailang trial and error ka, ano? Naka-ilang practice din ‘yun, malamang! Kung tulad ka ng mga bata sa kalsada, araw-gabi ka rin sigurong naglalaro ng viral na laruan na ito.
Pero sa tindi ng concentration mong maglaro, hindi mo ba naisip na may nanay na hirap na hirap magpatulog ng kanyang baby dahil sa ingay na gawa ng dalawang bolang nag-uumpugan? O kaya ay inaatake na ng migraine yung kapitbahay mo, o kaya’y ngayon pa lang sana babawi ng tulog ang neighbor mong night shift sa call center. Marami ring may work from home at hybrid classes na deserve din ng katahimikan habang sila ay nagtatrabaho at nag-aaral.
A call to be considerate. ‘Yan ang hiling sa ating lahat sa araw na ito. Reminder na habang tayo ay nagkakasiyahan, sana’y wala tayong naaagrabyado. Ganoon din sa mga nagka-karaoke during weekdays and late at night. Bagama’t karapatan nating magsaya, huwag sana nating kalimutang magmalasakit sa iba. Maaari pa rin namang ituloy ang lato-lato at karaoke nights pero sa limitadong oras sana. Kagustuhan ng Diyos na manatili tayong at peace sa ating kapwa. Posible ito kung magbibigayan tayo at magiging mas sensitibo at may konsiderasyon sa kapakanan ng iba.
LET’S PRAY
Panginoon, paalalahanan po Ninyo ako sa mga pagkakataong nakakalimutan kong magmalasakit sa iba. Bigyan po Ninyo ako ng wisdom, sensitivity, at self-discipline upang hindi ako makasagabal sa pamumuhay ng aking kapwa.
APPLICATION
Sa tingin mo ba ay nakalimutan mong i-take into consideration ang needs ng ibang tao? Start today by being kinder and more considerate of the people around you.
SHARE THIS QUOTE
