18

OCTOBER 2024

A Choice Between Prayer and Panic

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Lumapit sila sa kanya at siya ay ginising, na nagsasabi, “Panginoon, iligtas mo kami; mamamatay kami!  

Mateo 8:25 (Ang Biblia 2001)

 Para sa isang taong may pinagdadaanang matinding problema, malaking encouragement ang kuwentong mababasa sa Mateo 8:23–27. Sumakay ng bangka sina Jesus at ang apostles Niya para makatawid sa Sea of Galilee na kilala sa extreme weather changes na puwedeng mangyari sa isang iglap. Pinalilibutan ang lawa ng mga burol na pinanggagalingan ng malamig na hangin, but beyond these hills, mainit at humid ang hangin. Kapag naghalo ang mga ito, furious and terrifying storms can be the result. At ito nga ang nangyari sa araw na iyon.

Hindi ba’t ganyan din madalas sa buhay: One minute, everything is peaceful and quiet, and the next thing you know, nasa gitna ka na ng isang sitwasyon na maaaring magpalubog sa iyo? You want to hope for the best, but what you end up doing is just expecting the worst. 

Mukhang ‘yun din ang nangyari sa apostles. This is apparent in the English Standard Version of the Bible kung saan ginising nila si Jesus by saying, “Save us, Lord; we are perishing.” Napansin ba ninyo na hindi naman lumubog agad ang bangka, at nakasakay pa nga sila rito, pero pakiramdam nila, nagsimula na ang proseso ng kanilang pagkamatay. To think, kasama nila si Jesus sa bangka!

Napa-comment si Jesus sa maliit na pananampalataya ng Kanyang mga apostol, but one moment later, bumangon Siya at inutos ang pagtigil ng hangin (v.26). Kung magpapakita tayo ng kahit katiting na faith sa Panginoon, tutugunin Niya tayo.

Whatever you are going through today, remind yourself na tulad ng mga apostol, may choice kang lumapit sa Panginoon at huwag mag-panic. He is just a prayer away.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, sa mga panahong pinanghihinaan na ako ng loob, help me remember that you are my refuge and my strength. Handa Kayong sumaklolo sa gitna ng pinagdadaanan ko. May pag-asa akong laging matatagpuan sa Inyo.

APPLICATION

Palubog nang palubog ka na ba sa problemang meron ka ngayon? Call our hotlines today at +63 2 8 663 4700 or i-click lang ang icon na Chat With Us para maka-chat ng live ang ating prayer counselors.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 1 =