23

JULY 2025

A Present Father, A Father’s Presence

by | 202507, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Kit Cabullo

Saan ako magpupunta, upang ako’y makatakas? Sa iyo bang Espiritu, ako ba’y makakaiwas? Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako’y ikaw din ang kasama; kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko’y ang duluhan ng kanluran; tiyak ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.

Awit 139:7–10

Nagtatrabaho ang daddy ng batang si Carl sa malayong lugar. Naiintindihan niya ang dahilan kung bakit busy ang kanyang ama. Kaya naman he’s always looking forward to weekends when his father spends time with their family all day! Favorite niya ang mag-breakfast habang marami siyang ikinukuwento sa kanyang daddy.

Just like Carl, many children appreciate the presence of their fathers. Maganda ito hindi lang sa mga oras na kasama ang ama nila, kundi maging sa development ng pagkatao nila. There are many studies about the benefits to children when a father is present, involved, and active in parenting. A father’s presence is one of the best presents he can give to his children.

Our good Father in heaven shows His love for His children this way. In the Bible, God said, “I am with you” and “I will be with you” many times (such as Exodus 3:13, Isaiah 43:5, Jeremiah 30:11, Joshua 3:7). Sa lahat ng pangyayari sa buhay natin, God is actively involved. Kahit hindi nakikita, God the Spirit is powerfully present. Ninanais pa nga Niyang kahit ang mga tumalikod sa Kanya ay makasama sa Kanyang pamilya (Acts 26:18). What a great Father He is! 

Going back to earthly fathers, pasalamatan natin ang mga tatay na priority ang paglalaan ng oras para sa kanilang mga anak! Sa hirap ng buhay at bigat ng responsibilidad nila, ginagawa nila ang lahat ng makakaya para sa kanilang pamilya. They may not be perfect, but in this lifetime, they reflect God’s presence in this world.

We have a God who men can imitate as a good father. And when we fail, let’s all remember that God will remain as a good father to all of us.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Our Father, thank You for giving us good earthly fathers. Higit sa lahat, salamat sa pagiging mabuting Ama naming lahat.

APPLICATION

Mga tatay at mga anak, pahalagahan natin ang presence ng isa’t isa. Start with meaningful conversations. Talk about your hobbies or personal dreams with your parents or your children over a meal.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 6 =