8

MAY 2022

Alagang Nanay

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Lara Quigaman & Written by Alma S. de Guzman

Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.

Isaias 66:13

Ang mga nanay ang isa sa pinakamagandang regalo ng Panginoon sa ating buhay. Sila ang simbolo ng mapag-aruga at banayad na pagmamahal ng Panginoon.

Dahil sa ating mga nanay isinilang tayo at nagkaroon ng buhay. Although hindi lahat ay pinalad na makaranas magkaroon ng mapag-alagang nanay, you might have experienced motherly care mula sa mas nakakatandang kaibigan, tita, lola, ninang, o pastora.

Kung meron mang mga tao na makakaunawa ng salitang sakripisyo, number 1 sa listahan ang mga nanay. Mula pa lamang sa pagbubuntis ay nagsasakripisyo na sila, hanggang sa mapalaki ang kanilang mga anak. Ang pagsasakripisyo nila’y hindi tumitigil. Kaya tunay na biyaya ang nanay sa ating buhay.

Pero gaano man natin tingalain ang bawat nanay, may pagkakataon pa rin na nadidisappoint tayo sa kanila. Minsan pa nga sila din ang dahilan ng malaking sugat ng ating pagkatao na dala-dala natin hanggang sa pagtanda natin.

Paano ba natin io-honor ang mga nanay na naging sanhi ng kabigatan sa buhay? Dapat pa ba silang i-honor?

Ramdam ng Panginoon ang iyong puso. Nasaktan ka man ng iyong nanay, hayaan mong buksan Niya ang puso mo para sa pagmamahal Niya. Ano pa man ang nagawa ng nanay mo, marapatin mong ikarangal na may nanay ka, honor your mom, and let God redeem and restore the both of you.

Hindi mo kailangan madaliin ang proseso, pero umpisahan mong palayain ang puso mo. Sa huli maituturo mo sa mga anak at apo mo that you honored your mom dahil hinayaan mong kalingain ka ng pag-ibig ng Diyos na tulad ng pagmamahal ng isang ina. Carve a legacy of motherly love that comes from a God who comforted and cared for you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I celebrate Mother’s day with peace in my heart. Naging mahirap man ang pinagdaanan ko, I honor my mom and all the moms who loved and cared for me. Warm them with Your love today. Help me to pass on Your nurturing kind of love. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Talk to your mother today and tell her that you are thanking the Lord for her. Basahin din sa Bible ang story ni Sarah, Hannah, Naomi, Elizabeth, and Mary. Study their characters. Pray. Encourage a mom then share this devotion.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 11 =