29
MAY 2024
Amazing Faith
Namangha si Jesus nang marinig ito, kaya’t humarap siya sa napakaraming taong sumusunod sa kanya at sinabi, ‘Kahit na sa Israel ay hindi ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya.’”
Lucas 7:9
Level up your faith. Naririnig natin ito sa churches, youth camps, conferences, at discipleship groups. Pero paano nga ba ‘yung faith na upgraded? Dapat bang super emotional every time? Dapat bang maging super intellectual Christian?
Si Jesus mismo ay namangha sa faith ng isang centurion na lumapit sa Kanya dahil malubha ang sakit ng alipin nito (Lucas 7:1–10). Dapat makita natin kung ano ang mayroon sa pananampalataya niya. Pero may ilang bagay na dapat nating tandaan. Una, ang centurion ay sundalong kapitan ng mananakop at mapang-abusong Roman Empire. Pangalawa, hindi siya tinuturing ng mga Judio na kasama sa piniling bayan ng Diyos. Siya ay simbolo ng mga kaaway na nagpapahirap sa bansa nila. Sa pananaw nila, ang mga katulad niya ay walang puwang sa kaharian ng Diyos.
Pero kakaiba ang centurion na ito dahil sa pagkilala niya kay Jesus at paghingi ng tulong. Kahit may position at kapangyarihan ang centurion, alam niyang hindi siya karapat-dapat sa kabutihan ng Diyos (Lucas 7:6–7). Pero kinilala niya ang authority ni Jesus at nagpapasailalim siya sa paghahari ni Jesus. Ganyan ang faith niya na nagpamangha kay Lord!
Paano ba natin masasabing matibay at malalim ang pananampalataya? Paramihan ba ng blessings, ministries, o disciples? Palawakan ng kaalaman o paramihan ng nabasang libro? Pahabaan ng prayers o pagalingan ng pagpapaliwanag? Well, lahat naman ‘yan ay magagandang bunga ng pagkilos ng Diyos sa atin. Pero dahil sa centurion, we are reminded that the real measure of faith is how we trust in the authority of Jesus and surrender our lives to Him. Siya ang Panginoon na nakatataas at makapangyarihan sa lahat. Siya ang Hari na dapat sundin. Siya ang may authority, kaya I will surrender my life to Him and trust that He is mighty to save and also heal.
LET’S PRAY
Lord Jesus, teach us to have this kind of faith that bows down to You. Sana po ay mas matutunan naming sundin Ka. Help us surrender to Your power and depend on Your mercy.
APPLICATION
Let’s evaluate our measure of faith. Gawin nating focus ang pagsunod sa teachings ni Jesus kaysa maging popular or mas maraming alam. I-encourage natin lalo ang mga taong seryoso sa pagsuko ng buhay nila kay Jesus kahit walang titles or positions. Let’s appreciate people because of their loyalty to Jesus.