3

JUNE 2025

Ang Blessing ng Isang Ama sa Kanyang Anak

by | 202506, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Luisa Collopy

God our Heavenly Father is our great provider and protector and as we will find out today, He is also a great leader.

Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan.

Mga Kawikaan 22:6

Si Jeremy, isang young father expecting his first child, ay naimbitahan sa isang Jewish Shabbat dinner ng kanyang kaibigan. Na-witness niya kung paanong ang mga padre de familia ay nagbigay ng blessing sa kani-kanilang anak. Wala siyang narinig na angal mula sa mga young people. Instead, they accepted the blessing with much joy.

Ano ba ang blessing na narinig ni Jeremy?

Ito ay ang Aaronic blessing na hango sa Old Testament. Ito ay isang kautusang ibinigay ng Panginoon. “Sinabi ni Yahweh kay Moises, ‘Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ang mga salitang ito ang bibigkasin nila sa pagbabasbas nila sa mga Israelita: Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; kahabagan ka nawa at subaybayan ni Yahweh; lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh. Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbabasbas sa mga Israelita at tiyak ngang pagpapalain ko sila’” (Mga Bilang 6:23–27).

Ang Aaronic blessing ay patuloy na ginagamit ngayon sa Jewish feasts at family gatherings, like the Shabbat dinner. It is not a casual thing to give dahil kasama ito sa paghubog ng mga anak upang mabigyan sila ng pinakamaganda at pinakamabuting pamana: ang pananampalataya sa Diyos. Ito ay nagpapakita at nagtuturo kung paano magkaroon ng security and growth in one’s personal faith. 

God, our great leader, presents the same beautiful blessing to us. Gusto Niyang malaman natin na ang pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa Kanya ay maghahatid ng pagpapala. Ang padre de familia, bilang leader sa kanyang tahanan, should be the example of obedience and the instrument of blessing to his own children. Ito ay isang deep commitment to stand by one’s child to help him/her be successful in the fulfillment of God’s blessing in life.

Gusto mo rin bang tanggapin ang blessing na ito?

Please join us again tomorrow as we discover the characteristics of God in our series “God Is Our Heavenly Father.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Father, for Your blessings of grace and mercy, the richness of Your love, and the comfort of Your peace.

APPLICATION

Memorize the Aaronic blessing and pray it over your children for 30 days before bedtime. I-record kung anong pagbabago ang makikita mo sa iyong sarili at sa iyong anak.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 2 =