20

MARCH 2025

Ang Kagandahan ng Iyong Kalooban

by | 202503, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Luisa Collopy

Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.

1 Samuel 16:7c

“Maganda at sexy ang ipapakilala namin sa iyo. Kamukha siya ni Marimar,” ang sabi ng ina ni Martin sa kanya, referring to a female character in a telenovela. Kaya excited ito sa balita. In a few months, his future wife arrived, but she didn’t look anything like Marimar…and weighed 300 pounds! Nang tanungin si Martin kung napangasawa niya ito, sinabi niya, “Yes! Maganda pala ang kanyang kalooban kaya balewala sa akin ang kanyang itsura.” 

Inutusan ni Yahweh si Samuel na pumunta kay Jesse sa Bethlehem dahil napili na ni Yahweh ang haring ipapalit kay Saul. Nang makita ni Samuel si Eliab, ang panganay na lalaki ni Jesse, inisip niya, “‛Ito na nga ang pinili ni Yahweh para maging hari.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, ‘Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahweh’y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh’” (1 Samuel 16:6–7).

Maaaring panlabas na anyo ang standard ni Samuel dahil ang haring si Saul ang “pinakamakisig at pinakamatangkad na lalaki sa buong Israel” (1 Samuel 9:2). Pitong anak na lalaki ni Jesse ang nagrampa, pero walang napili sa kanila.  Ang bunsong anak na si David, isang pastol ng mga tupa, ang hinirang. Si David ay “makisig na binatilyo, malusog at maganda ang mga mata” (v.12). 

May kasabihang, “Don’t judge a book by its cover” dahil madalas tayong manghusga sa halaga ng isang tao by the outward appearance. We look at beautiful celebrities, models, and influencers and use them as our value standards.

God is not like man who is weak in judgment. Mahalaga sa Kanya ang kagandahan ng kalooban, so live up to God’s expectations and measure yourself and others using His standards. Huwag mong ubusin ang iyong time, energy, and money because you want to lift up your standing among others!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for showing me the right way to look at people and to consider what’s in their heart instead.

APPLICATION

Humingi ng paumanhin sa isang tao na iyong hinusgahan dahil sa panlabas na anyo niya.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 14 =