16
SEPTEMBER 2026
Ang Magandang Balita
Ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi.
2 Timoteo 4:2a
Kaklase ni Omar si Billy sa Philippine history. Na-observe niya na masipag ito sa kanyang pag-aaral. Palagi itong tinatawag ng kanilang teacher during recitation time, na nasasagot niya nang maayos. Hindi siya magtataka kung makakakuha si Billy ngmataas na grade.
Aside from being studious, marami pang ibang qualities si Billy. Magalang siya sa kanyang mga kaklase. Hindi siya nagmumura katulad ng iba. At matulungin siya sa kanyang mga kasama.
Napansin din ni Omar na palaging may bitbit na black book si Billy.Textbook ba ito? Pero bakit palagi niya itong dala?
Minsan nasilip niya ang title ng book, which read “Holy Bible.” Bakit kaya may dala sIyang Bible araw-araw? Dati ba siyang seminarista?
Isang araw, during breaktime, nilapitan siya ni Billy. “Puwede ka bang makausap? O baka busy ka?” “Hindi naman,” sagot ni Omar. “Free time ko ngayon. Naghihintay nga ako sa susunod nating klase,” nakangiting dagdag niya.
“Gusto kong i-share itong Four Spiritual Laws booklet. Alam mo ba na God loves you and has a wonderful plan for your life?” Inexplain ni Billy in simple terms ang tungkol sa Gospel. Sa pamamagitan ng simpleng four-point format, naipaliwanag niya ang core concepts ng Christianity. Ito ay ang God’s love, our sinfulness, Christ as the solution, and the necessity of personal faith.
At dahil sa kabaitan at credibility ni Billy bilang isang student, mas madaling na- convince si Omar tungkol sa pangangailangan ng personal relationship sa Diyos. Humingi siya ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan at tinanggap niya si Jesus bilang sariling Panginoon at Savior.
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan po Ninyo ako na mas makilala ko po Kayo. Buksan po Ninyo ang aking isipan para mas maunawaan ko ang sinasabi ng Inyong Salita.”
APPLICATION
Humanap ng opportunity na maibahagi ang Magandang Balita sa iyong mga kasama – sa trabaho, sa school o sa sa iyong community.
SHARE THIS QUOTE
