25

FEBRUARY 2026

Ang Manindigan Para sa Katotohanan

by | 202602, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Luisa Collopy

Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon!

Ester 4:14

Tatlong araw of civil resistance ang napanood ng mundo sa famous People Power Revolution o EDSA Revolution na nangyari sa Pilipinas noong February 2225,1986. Over 2 million people took to the streets, kasama ang ilang political, military at religious groups, para buhayin at ibalik ang demokrasya sa bansa.

Kakaibang people power ang nangyari noong araw. Si Mordecai, isang Judio, ay naniniwalang tanging Diyos lamang ang karapat-dapat na sambahin. Si Haman, ang punong ministro ni King Xerxes, ay galit kay Mordecai dahil hindi ito yumuyukod at lumuluhod sa kanya tulad ng iba. Kaya isang evil plan ang nabuo ang paglipol ng mga Judio. The edict was signed by the king, sealed by the royal ring, and delivered.

“Nang malaman ni Mordecai ang lahat ng nangyari, pinunit niya ang kanyang kasuotan. Nagsuot siya ng damit panluksa, naglagay ng abo sa ulo, at naglibot sa buong lunsod, at malakas na tumatangis… Ang mga Judio naman sa bawat lalawigang naabot ng utos ng hari ay nanangis nang buong kapaitan, nag-ayuno at nagluksa. Karamihan sa kanila’y nagsuot ng damit panluksa at naglagay ng abo sa ulo” (Ester 4:1,3) 

Nalaman din ni Queen Esther, ang pamangkin ni Mordecai, ang pangyayari. Mordecai asked her to plead on their behalf pero ipinasabi ni Esther na kamatayan ang kapalit ng sinumang lalapit sa hari nang hindi tinatawag. Pinaalala ni Mordecai kay Esther ang mga salitang ito: “Kapag ipinagwalang-bahala mo ang pangyayaring ito, tiyak na may maliligtas din sa mga Judio, ngunit malilipol ka at ang iyong angkan… Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon!” (v. 14).

The Jews prayed and fasted, and God delivered them. Whether it’s a personal threat or on a national level, God stands behind the truth. Will you seek His wisdom and do His will?v

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Diyos Ama, bigyan po Ninyo ako ng lakas ng loob to choose what is right and to stand for it no matter the cost.

APPLICATION

In what way have you stood up for truth? Kung ikaw ay naging part ng isang rally or demonstration, share with a friend your reasons for participating in civil disobedience and what you have learned from it.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 10 =