25

JUNE 2024

Ang Pagpapalakas ng Kalooban

by | 202406, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by J. Silvestre C. Gonzales

Pinalakas nila ang loob ng mga alagad at pinayuhang manatiling tapat sa pananampalataya.

Mga Gawa 14:22a

Dumating na ba kayo sa punto ng buhay kung saan ay nanghihina kayo? Halos lupaypay sa dala-dalang mabibigat na pasanin? Sa panlabas na anyo ay mukhang OK kayo — nakangiti, palakuwento. Pero sa kaibuturan ng inyong puso at damdamin, nandoon ang kalungkutan at hinagpis na mukhang ayaw umalis.

Kung minsan naman sadya nating hindi ito pinapansin. Abala kasi tayo sa maraming bagay at hindi na lang natin ito pinag-iisipan. Akala natin sa pamamagitan ng pagiging busy o pag-asikaso sa maraming bagay ay mawawala rin ang ating mga kalungkutan o mga discouragement. At hindi rin ito madalas na pinag-uusapan sa ating mga simbahan. Akala natin kailangang palagi tayong nakangiti. Masaya. Puro praises o mga kasagutan sa panalangin ang dapat lang pag-usapan.

Natatakot tayong i-share ang ating mga problema o mga kahinaan, mga pasanin sa buhay. Akala natin ang pagsasabi ng ating struggles ay tanda ng ating kahinaan. Hindi ito totoo. Ayon kay Dr. Rico Villanueva, “It is OK not to be OK.” Iyan din ang pamagat ng aklat na sinulat niya tungkol sa depression at discouragement. It is not a sign of weakness to share our individual fears, anxieties, and difficulties in life. Sa katunayan nga, ito ay nagpapakita lamang ng ating kalakasan. Sa Mga Gawa 14:21–22, ipinaalam nina Pablo at Bernabe sa mga mananampalataya noong panahong iyon na marami silang mararanasang kapighatian, kaya pinalakas nila ang kanilang loob at pinayuhang maging tapat sa pananampalataya. 

Gusto nating ma-solve ang ating problema sa buhay — sa ating pamilya, trabaho, o simbahan. At ang pag-admit na ikaw ay may problema ay ang unang mahalagang hakbang upang mabigyang lunas ito. Kapag ginawa mo ito, maaari kang mapalakas ng mga taong nakakaunawa sa iyo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo ako sa mga problema na aking hinaharap. Palakasin po Ninyo ako para malabanan ko ang aking mga kahinaan sa buhay.

APPLICATION

Humanap ng mature na Cristiano na puwede kang tulungan. Ang pag sha-share ng problema ay makakagaan ng kabigatan na nararamdaman mo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 12 =