3
JUNE 2026
Ang Pinagkait na Awa
Naawa ako sa iyo. Hindi ba’t dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?
Mateo 18:33
Minsan kung sino pa ang nakaranas ng matinding pagpapatawad at habag mula sa Panginoon Jesus, siya pa ang unang nanghuhusga at nagbibigay ng malisya kapag may taong nagkamali o nasangkot sa eskandalo.
Ganyan ang naranasan ni Laya sa boss niya. Noong 22 years old si Laya, nakipagrelasyon siya sa katrabaho na hindi niya inakalang sinungaling at manloloko. Natuklasan ng opisina ang violations ng boyfriend niya. Walang kinalaman si Laya sa nangyari but it made a not-so-good impression on her character. At dahil nasa posisyon ang boss, walang pag-aatubuli niyang pinagsalitaan si Laya sa harap ng iba. Nakaramdam siya ng panghuhusga, panlulumo, at panliliit.
Kahit nakipag-break na siya at maayos na nagtatrabaho, pakiramdam ni Laya palaging may mapanghugsang mata sa paligid niya. Years later, God allowed Laya to uncover the truth pero pinili niyang manahimik. Sa retreat, lumapit ang isang colleague at sinabing “I’m sorry, na-judge kita; hindi ka pala ganoong klaseng tao.” Those words proved na nahusgahan nga ang pagkatao niya because of her past relationship with the wrong person.
The sad part of Laya’s story is not what she went through with the boss. Ang nakakalungkot ay ang ipinagkait na awa ng boss. It was common knowledge that the boss once had an affair with a married person, and the boss confidently shared na kinahabagan siya ng Panginoon. Pero kabaliktaran ng awa ang pinairal niya sa kapwa.
God humbled Laya’s heart. She has moved on, assured that there is a God who will never look at her as a second-class citizen. Pinatawad siya ng Panginoon at natutunan niya na kailanman wala siyang karapatan ipagkait ang habag at pagpapatawad sa iba.
Ang Panginoon ay mahabagin. Kapag humingi tayo ng kapatawaran, He will forgive and cleanse us from our sins. Kasabay ng Kanyang pagpapatawad, kalooban Niyang tayo rin ay maging mahabagin.
LET’S PRAY
Lord, maraming salamat sa Inyong habag at pagpapatawad. Patuloy Ninyong turuan ang puso ko na mahabag sa iba katulad ng ginawa Ninyo sa akin. Amen.
APPLICATION
Read John 8:1–11 and learn about how Jesus dealt with the woman caught in adultery.
SHARE THIS QUOTE
