26

AUGUST 2025

Ang Sikreto ng Pambansang Kamao

by | 202508, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Jose Silvestre C. Gonzales

May kilala ka bang extraordinary person? Tingnan natin ang sikreto ng pagiging extraordinary ni Manny Pacquiao sa ating devotion ngayon that’s part of our series, “Inspiring Men and Women.”

Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan … ”

Isaias 41:10

Sa edad na 14, si Manny Pacquiao ay nagdropout sa school sa General Santos at pumunta sa Maynila para maghanap ng trabaho. Nakuha siya bilang isang construction worker. Tiniis niya ang gutom para magpadala ng pera sa kanyang nanay at limang kapatid. Ginawa niya ito kahit maliit lang ang suweldo niya.

Sa kanyang free time, nagsimula siyang magensayo sa boxing. At dahil sa kanyang pagpupursige at kasipagan, nakasama siya sa national amateur boxing team. Within two years, siya ay napunta sa professional boxing.

From 1995 to 2021, si Manny ay nakilala bilang isang extraordinary boxer. Boxing historians consider him as one of the greatest professional boxers in the world. Siya lamang ang nanalo ng 12 major world titles in eight different weight divisions.

Siya rin ay tinagurian as the greatest Asian boxer of all time.

Ano ba ang sikreto ng ating pambansang kamao? “Pacquiao’s confidence, optimism rooted in God” ito ang headline ng kanyang newspaper interview. Sabi niya sa reporter, “I have peace of mind. God is with me. His strength is with me.”

“God is good all the time,” dagdag pa niya. “He gives me strength, so I don’t need to be nervous. It is God who will be fighting on top of the ring. [He would say to me] ‘All I need is for you to pray and I will take care of business in the ring.

Hindi lamang sa larangan ng boxing nag-excel si Pacquiao. Pumasok din siya sa pulitika. Naging congressman siya sa first district ng South Cotabato mula 2010 hanggang 2016 at naging senador mula 2016 hanggang 2022. Nakilala siya sa kanyang generosity sa pagtulong sa kanyang mga kababayan. Over the years, yung kinita niya sa boxing ay ginamit para sa student scholarships, pag-distribute ng farming equipment, at pagpapatayo ng daan-daang bahay para sa mga mahihirap.

Sana ay maging extraordinary din tayo tulad ng Pambansang Kamao — extraordinary sa ating pananampalataya sa Diyos at extraordinary din sa pagtulong sa iba.

Samahan n’yo kami uli bukas, dito lang sa Tanglaw!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Aming Ama, salamat po sa buhay ni Pacquiao. Malaking inspirasyon po ito sa aking buhay. Tulungan po Ninyo ako mag-persevere katulad niya.

APPLICATION

Ano ang mga hamon sa buhay na hinaharap mo ngayon? Manalangin ka at humingi ng guidance at grasya mula sa ating Diyos.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 14 =