24

SEPTEMBER 2025

Ang Tunay na Pakikipagkapwa-Tao

by | 202509, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Alma S. de Guzman

Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siya’y naawa.

Lucas 10:33

Isa sa mga katangian na hinahangaan ng mga foreigner sa mga Pilipino ay ang pagiging hospitable. Basta usapang pakikipagkapwa, most Filipinos are all out!

In our history, isa sa halimbawa ng ating pakikipagkapwa ay ang pagtulong na ginawa ni dating Pangulong Manuel Quezon sa mga Jew noong holocaust.

Taong 1937 ipinatupad ni President Quezon ang “open door” policy na nagsasaad na welcome sa Pilipinas ang mga Jewish refugee na nakaranas ng persecution mula sa mga Nazi. Halos buong mundo ay hindi willing tumulong ngunit minabuti ni Quezon na gawin ang tama. May mga tumutol man sa kanyang desisyon, nanindigan siya at nakapagligtas ng 1,200 Jews. Ang pakikipagkapwa na ito ay nagmarka sa puso ng bansang Israel.

Katulad ng pagtulong na ginawa ni Quezon para sa ibang lahi, ganyan din ang ginawa ng isang tao sa kuwento ni Jesus about The Good Samaritan (Luke 10:30–37). Kahit kaaway ng kanyang lahi ang lalaking nahold-up at nakahandusay sa daan, walang pag-aalinlangan niya itong tinulungan. He provided him first aid assistance, a safe place, and he even paid for all the bills habang nag-rerecover ang biktima. May paring Judio at Levita na unang nakakita sa biktima pero ang Samaritan lang ang nagpakita ng mercy at empathy.

Sa kuwento, tinuruan tayo ni Jesus ng pamantayan ng tunay na pakikipagkapwa.

Ang tunay na lalim ng pakikipagkapwa ay hindi lang nakasalalay sa kaya nating gawin para sa iba, bagkus ito ay ang pagkakaroon ng malalim na pag-unawa ng ating puso na tulad ng biktima at ng mga Jew refugee, we are a people in need of grace, love, and a Savior.

Jesus is always willing to meet us where we are. Siya ang role model ng tunay na pakikipagkapwa. Sa madilim at malalim nating pinagdaraanan, He will save us. He will always go above and beyond in redeeming and restoring us. Iyan ang tunay na pakikipagkapwa.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I humble myself before You. Heal my wounded heart at tulungan po Ninyo akong matutunan ang tunay na pakikipagkapwa. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Reflect on your most unforgettable experience when a stranger helped you. Resolve to do the same for someone in need.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 2 =