15

JUNE 2024

Ano ang First Instinct Mong Gawin?

by | 202406, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written Alma S. de Guzman

Sumagot siya, “Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo’y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at ito’y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa.”

Mateo 17:20–21

Kapag may problema ka na kasinglaki ng bundok, nauuna ka bang tumingin sa laki ng bundok o sa mas malaking Diyos na lumikha ng langit at lupa?

If we will be honest sa ating sagot, marahil masasabi natin na may tiwala naman tayo kay God pero ang hirap namang hindi magka-anxiety sa problema, lalo na kung ang problema ay talagang napakahirap at napaka-imposibleng masolusyunan.

Sa buhay lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon ng Diyos upang mag-exercise ng faith. Pero ang  tanong kapag may problema ka: Ano ang first instinct mong gawin?

Sa Matthew 17:14–20 mababasa natin ang kuwento ng isang lalaki na lumapit kay Jesus upang humingi ng kagalingan para sa kanyang anak. Sinabi niya na lumapit na rin siya sa disciples ngunit kahit ang mga ito na binasbasan ni Jesus na magpagaling ng may sakit ay hindi napagaling ang bata. Matapos mapagaling ni Jesus ang bata, lumapit ang disciples at nagtanong kung bakit hindi nila napagaling ang bata. Matapat silang sinagot ni Jesus.

“Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo’y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at ito’y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa” (v. 20–21).

Tulad ng  disciples, may faith tayo pero nakakalimot tayong dumepende sa tunay na source ng faith natin. Sa mga problemang imposibleng masolusyunan, minsan sumusuko na lang tayo. Bahala na tutal wala naman na ako magagawa. Kung ano gusto ni Lord, tatanggapin ko na lang.

Our faith is meant to be exercised. Remember it is not about the size of your faith but about the Lord who can do the impossible. Take  courage and have faith. Gawin nating first instinct ang magtiwala kay Jesus sa lahat ng aspeto ng buhay natin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, patawarin Mo ako dahil nakakalimot akong manampalataya sa Iyo. Give me the grace to always remember na dapat kong i-exercise ang faith ko. Thank You for Your love.

APPLICATION

Exercise your faith. Pray the promises of Jesus and believe in what He can do over your situation.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 7 =