9

DECEMBER 2025

Anong Gusto Mong Regalo?

by | 202512, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Alma S. de Guzman

Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!

Mateo 7:11

Kapag tinanong ka kung ano ang gusto mong regalo, ready ka ba sa  isasagot mo? May mga mabilis sumagot at meron din na pinag-iisipang mabuti kung ano ang gusto nilang hilingin.

Ava knows what she wants. Kapag tinanong siya kung ano ang gusto niyang regalo, palagi siyang may listahan ng lahat ng mga bagay na pinagpe-pray niyang matanggap. Biro nga ng asawa niya, “Naku! Kapag ’yan ang tinanong mo, sure nang may handa na siyang sagot kung ano ang gusto niyang regalo.” Since Ava’s parents died mas lalong tumibay ang pananampalataya niya sa Panginoon. She has proven the Lord’s faithfulness in her life, kaya si Lord na talaga ang Tatay na nag-iisa niyang inaasahan. She confidently trusts God for everything.

Minsan hindi makapaniwala ang iba kasi pati maliit na bagay ay hinihingi pa niya kay Lord tulad ng bagong tsinelas, eyebrow pencil, o coffee craving. For Ava, her loving relationship with the Lord is a father-and-daughter relationship. Sa panalangin niya unang sinasabi ang lahat ng bagay na gusto niya at handa niyang hintayin dumating. Ilang pagsubok man ang dumaan, kailanman hindi nagkulang ang Panginoon sa pagbibigay sa kanya ng mga mabubuting bagay.

When we tell the Lord our desires and dreams, He is a good Father who listens. Palagi Siyang handang ipagkaloob sa atin ang mga mabubuting bagay if it is according to His will. Kung Tatay ang turing natin sa Kanya, wala tayong dapat ipag-alala. Ask the Lord for what your heart wants, and allow yourself to experience the love He has for you. Higit pa sa gusto mo ang gustong Niyang ibigay sa iyo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, naniniwala ako na Kayo ang aking mabuting Ama sa langit. Maraming salamat sa lahat ng mabuting bagay na ibinigay Ninyo sa akin. May mga kahilingan ako na alam kong Kayo lang ang makakasagot. Hihintayin ko po ang Inyong ipagkakaloob. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Kailan ka huling nagpasalamat sa Panginoon para sa isang bagay na ibinigay Niya sa iyo kahit hindi mo ito hiningi? Thank Him and pray for your heart’s desire.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 2 =