12
DECEMBER 2025
Anong Puwede Kong Maitulong?
“Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho, dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’”
Mga Gawa 20:35
Sa isang munting salo-salo masayang nag-announce si Amy na ikakasal na sila ng kanyang kasintahan. Nagpalakpakan sa saya ang mga pinsan niya. Maligayang-maligaya sila, at bawat isa ay gustong maging pagpapala sa kanilang dalawa.
“Anong puwede naming maitulong, Ate?”
“Nandito lang kami, Ate. We got your back.”
Bukod sa mga pinsan ni Amy, kabi-kabila din ang mga offer na natanggap nila mula sa mga kaibigan. Damang-dama nila ang kabutihan ng Panginoon sa bawat taong handang makibahagi sa kanilang nalalapit na kasal. They are blessed to have people who have their best interests at heart. Hindi sila ang tipong gusto lang mag-usisa ng plano at mag-criticize, bagkus sila ang klase ng mga tao na handang magbigay. They seek to give rather than to receive.
Sa mundong ito, hindi madaling makatagpo ng mga taong handang umagapay. Marami ang nanghuhusga at sumasagap lang ng tsismis. But even if we don’t have people around us who are ready to help, there is a great God who loves us too deeply. Tutulong Siya sa iyo kahit hindi mo pa hinihingi ang tulong Niya, at kahit hindi mo maamin na kailangan mo Siya. Bago mo pa man Siya kilalanin, nag-alay na Siya ng Kanyang buhay para sa iyo.
Siya ang laging nagkakaloob ng mabubuting bagay sa atin at ang nagtuturo sa atin na it is better to give than to receive. Sa tuwing binubuksan natin ang ating mga palad upang magbigay, lalo nating binibigyan ng pagkakataon ang Panginoon na tayo’y pagpapalain at patuloy na maging pagpapala sa iba.
LET’S PRAY
Lord Jesus, maraming salamat sa Iyong pagmamahal at patuloy na pagtulong sa akin. Patuloy Mong turuan ang puso ko na maging mapagbigay. Pagpalain Mo ang bawat taong naging blessing sa aking buhay.
APPLICATION
Every day, find ways to be extra kind and generous to others.
SHARE THIS QUOTE
