26
JANUARY 2026
Awit ng Barkada
Anim na araw bago sumapit ang Pista ng Paskwa, si Jesus ay nagpunta sa Bethania, ang bayan ni Lazaro na kanyang muling binuhay. Isang hapunan ang inihanda roon para sa kanya. Si Lazaro ay isa sa mga kasalo ni Jesus samantalang si Marta naman ay tumutulong sa paglilingkod sa kanila.
Juan 12:1–2
Nakapag-staycation na ba kayo ng mga kaibigan ninyo? Dala ang mga paboritong pagkain, board games, at baon ang maraming kuwento! In this kind of gathering, kadalasang nabubuo ang malalalim na samahan at pagkakaibigang pangmatagalan.
In this age of social media and online games, paano na nga ba tayo bumubuo ng malalalim na samahan? Are we having more screen time than quality face-to-face time? Nakikipagkuwentuhan ka pa ba sa kasama mo sa opisina at kasama sa pagkain?
Jesus made sure to create many beautiful and meaningful memories with His friends and followers while He was still on Earth. Sa verse natin for today, dinayo pa ni Jesus ang kaibigan Niyang si Lazarus sa Bethany at kumain ng hapunan kasama sila. Ito ay anim na araw bago ang Passover feast. Ang hindi nila alam, iyon na ang huling linggong makakasama nila si Jesus — for He died a few hours before the Passover. Jesus chose to spend His last days on Earth with the people close to Him. Alam Niya na iyon na ang huling mga araw Niya. But unlike Him, we’ll never know kung kailan ang ating huling hininga. Jesus rose from the dead! Pero tayo, we only have one life to live with our loved ones.
If makakasama natin si Jesus mag-staycation, siguradong all ears Siya sa iba’t ibang kuwento ng ating buhay — success stories, heartaches, dreams, and even our corniest jokes! And baka kantahan pa Niya tayo na may linyang, “Ako’y kasama mo sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa.” Maikli lang ang buhay. Makipagkuwentuhan tayo sa mga mahal natin sa buhay.
LET’S PRAY
Jesus, please help me know when to put down my gadgets and intentionally spend quality time with the people You have surrounded me with. Gamitin po Ninyo ang buhay ko to create many beautiful and meaningful memories with them. In Your name, I pray. Amen.
APPLICATION
Pagpahingahin mo muna ang gadgets mo. Schedule a staycation with your family and friends!
SHARE THIS QUOTE
