28

DECEMBER 2025

Bagong Umaga, Bagong Pag-Asa

by | 202512, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Justin Meel dela Cruz

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Mga Taga-Roma 8:28

Sinubukang i-abort si Lisa ng kanyang ina pero sa lakas ng kapit niya ay hindi ito natuloy. Sa edad na anim, pinagsamantalahan siya ng sarili niyang ama, ngunit hindi naniwala ang kanyang ina. Ilang taon siyang nagtiis hanggang siya ay ma-rescue at madala sa isang orphanage. Dito na lumaki si Lisa, nakapag-aral, at dumaan sa ilang therapy session para i-process ang mga naranasan niyang trauma at abuse mula sa sarili niyang pamilya. Higit sa lahat, dito niya nakilala ang Diyos at sinimulang magkaroon ng relasyon sa Kanya. Nagkaroon si Lisa ng bagong pag-asa na hindi niya nakita nang mga panahong sunod-sunod ang paghihirap na dinadanas niya. Ngayon ay nangangarap si Lisa na makapagtapos ng pag-aaral at maging isang licensed counselor na tutulong sa mga kagaya niyang sexually abused.

Nakaka-relate ka ba kay Lisa sa hirap na nae-experience mo sa buhay? Pagod ka na ba at nagtatanong kung kailan matatapos ang lahat ng iyong paghihirap? Valid ang lahat ng nararamdaman mo, kapatid. Hindi rin magagalit ang Diyos sa mga katanungan na meron ka kagaya na lamang ni Job sa Bible. Sunod-sunod ang naranasan niyang pagkasira ng kanyang kabuhayan, pagkamatay ng kanyang mga anak, at pagkakaroon ng sakit. Halo-halong emosyon ang naranasan ni Job na in-express niya sa Diyos at pinakinggan naman siya nang walang judgment. Sa lahat ng ito, ang relasyon ni Job sa Diyos ang nagbigay sa kanya ng pag-asa. Hindi pa huli ang lahat para sa iyo. Maghihilom din ang iyong mga sugat. Mabubuhay muli ang iyong mga pangarap kagaya ng nangyari kay Lisa. Darating din ang bagong umaga na may dalang bagong pag-asa.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, tulungan Mo ako kasi hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Samahan Mo ako, Panginoong Jesus, at magpadala Ka rin ng mga taong maaaring tumulong sa akin.

APPLICATION

Basahin ang Job 42:12–17. Pansinin ang mga pagpapala ng Diyos kay Job matapos ng mga pinagdaanan niya sa buhay. Let this encourage you. Humanap ka rin ng isang taong mapagkakatiwalaan na makikinig at mananalangin para sa iyo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 9 =