20
FEBRUARY 2026
Baka Ikaw ang Daan
Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.
Mateo 5:16
“Isang kahig, isang tuka.” Ganyan ilarawan ng then 16-year-old na si Jenilyn ang buhay nila sa Samar. Para makatulong sa pamilya, naglakas-loob siyang bumiyahe pa-Manila para mamasukan bilang kasambahay. Yaya, tagahatid-sundo sa mga alaga sa school — ‘yan ang trabaho niya. Each time she’s in school, she can’t help but remember her dream — ang makapagtapos ng pag-aaral.
Sa inaraw-araw niyang pagtatambay sa fetchers’ area, nakakakuwentuhan niya ang ibang yaya, at pati na rin ang ilang magulang ng mga estudyante roon. Dito niya nakilala si Mommy Sunshine. Nalaman ni Mommy Sunshine na gustong magtapos ni Jenilyn ng pag-aaral. The next day, she gave her textbooks na napaglumaan ng anak na graduate na ng high school. These books rekindled Jenilyn’s desire to finish school. But her mind was filled with doubts as she wondered, “Sa kalagayan ko ngayon, paano?”
Tuwing gabi, pag tapos na ang pag-aasikaso sa mga alaga, lumalabas sa terrace si Jenilyn para basahin ang mga libro. One night, her employer took notice. It was only then that Jenilyn’s employer learned of her dream to go back to school. A few weeks later, to her surprise, her employer enrolled her in the Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education. Sa ngayon, graduate na si Jenilyn, who is now in her 20s. She has developed skills and knowledge that qualified her for an office job.
If not for the generosity and compassion of that mommy in the fetchers’ area, and her employer who allowed her to study while working, baka hindi na nabago ang buhay ni Jenilyn. Thanks to people like them who became channels through which another person achieved her dreams.
How about you? Are you willing to be a channel of blessing too?
LET’S PRAY
Dear Father, thank You for blessing me all the time. Make me sensitive enough to recognize Your prompting whenever You want me to touch the lives of others. Give me a compassionate heart as You use me to remind others of Your love.
APPLICATION
Look around you and see if there is any need that you can help meet. Malay mo, baka ikaw ang daan para maabot nila ang kanilang pangarap.
SHARE THIS QUOTE
