23
MARCH 2026
Bawal bang Magpahinga?
At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Mga Taga-Filipos 4:7
Hindi ba maubos-ubos ang items sa to-do list mo? Never ending ba ang mga responsibilidad na kailangan mong harapin? Ang masama riyan, pakiramdam mo, wala kang karapatang tumigil. The hustle can’t stop. You can’t stop physically, mentally, and emotionally, kaya nasa breaking point ka na.
Kapatid, a life of non-stop work and constant stress is not what the Lord wants for you. Jesus set an example for us in Mark 1:21-34. Nagturo Siya sa synagogue, pinagaling ang biyenan ni Pedro, nagpagaling ng mga maysakit at nagperform ng exorcisms … all in one day. Marami Siyang natulungan noong araw na iyon, pero napakarami pa ang mga taong natirang nangangailangan pa ng tulong Niya. The next day, instead of rushing to help them, naghanap Siya ng tahimik na lugar para magdasal nang mag-isa (v. 35).
We all need rest. And there are different ways to get it. Pero alam ba ninyo na ang pakiramdam na narecharge ka dahil sa pagbabakasyon only lasts for 2 to 4 weeks? The positive effects of a massage can last for only a few days, or a week at most. How many of us can afford a vacation or massage every time we need one? Buti na lang, spending time with the Lord is free, at kahit kailan — night or day — puwede nating gawin ito.
Kapag kailangan natin ng pahinga, we can come to our Lord Jesus. Siya ang ating mabuting pastol. We can rely on Him for security and protection. Siya ang magbibigay sa atin ng kalakasan kapag ubos na tayo. Knowing this is enough para magkaroon tayo ng kapayapaan kahit sa gitna ng isang stressful na sitwasyon. Just try Him, kapatid.
LET’S PRAY
Lord, patahimikin Ninyo ang walang-tigil na ingay sa puso’t isipan ko. Kayo po ang maging pahinga at kanlungan ko.
APPLICATION
Mag-set ka ng appointment with the Lord. Just spend time with Him — talking to Him and relaxing in His presence. Siya lang, sapat na to feel refreshed at para bumalik ang lakas mo.
SHARE THIS QUOTE
