14

DECEMBER 2022

Bored to Death? Find Your Purpose in God

by | 202212, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Monica Serreon

Nang mag-uumaga na, umalis si Jesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag muna siyang umalis.

Lucas 4:42

Gumising ka na mabigat ang feeling. Endless cycle ng gising, trabaho, kain, tulog. Repeat 1000×. Wala na ring bisa ang self-help books, podcasts at YouTube tutorials para bumalik ang sigla mo sa buhay. Desperado ka nang makawala at parang na-lockdown ka na sa responsibilidad and the life you chose.

Hindi ka bored dahil wala kang ginagawa. Actually, pagod na pagod ka na dahil sa dami mong kailangang tapusin. Bored ka dahil sa gitna ng busyness mo ay kulang ka sa saya, sa excitement, sa passion. But what if ang kailangan mo lang palang mag-pause, to step back and find your life’s true purpose?

Mugaritz, isang restaurant sa Spain na kasama sa 50 World’s Best Restaurants List, ay nagsasara nang apat na buwan para mag-conceptualize ng kanilang menu. Ang rekado sa kanilang tagumpay ay ang pag-pause. The chefs revisit why they do what they are doing, going back to their core of existence.

Madalas ang sanhi ng ating boredom, kahit gaano pa karami ang ating ginagawa, ay dahil wala nang kahulugan sa atin ang mga bagay. We don’t even know why we exist. Ngunit sa pamamagitan ng pag-align ng ating buhay sa Diyos, patuloy Niyang ire-reveal sa atin ang ating purpose.

Jesus demonstrated this perfectly when He showed na priority Niya ang pagkakaroon ng quality time with God the Father. Kahit na gaano pa Siya ka busy, sinisigurado Niyang Siya ay nakakapag-pray. Kaya naman, kahit gaano pa tayo ka-busy, maging habit sana natin ang pagpe-pray, pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos, at pagwo-worship. Let’s experience the presence of the Lord in our lives and seek Him with our whole heart. Gawin natin itong priority araw-araw. Dito natin masisimulang malaman ang purpose ng ating buhay dahil it’s God, the One who made us, whom we seek.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I pray na Kayo ang gumising sa natutulog kong diwa. Palitan po Ninyo ang aking boredom with passion to know You and to put You in the center of my life. As You reveal Your purpose for me every day, thank You because You also give me true joy along with it. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Mag-set ng alarm araw-araw upang magkaroon ng quality time with God. Sa oras na yon, siguraduhin walang distractions. Ilabas ang bible, ballpen at notebook. Magsimula kang mag-journal at kilalanin ang Diyos sa pamamagitan ng salita Nya.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 11 =