24

MARCH 2026

Busog kay Jesus

by | 202603, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Mona Valconcha-Ocampo

Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.”

Juan 6:35

Alas kuwatro pa lang nang madaling araw, gising na si Nanay Nita. Araw-araw siyang pumupunta sa kanto para bumili ng mainit na pandesal. Ilang piraso man, pero sapat na para mapasaya ang limang anak niya sa agahan. Simple lang, pero busog na agad ang tiyan at puso. Kaligayan kasi ni Nanay Nita na makitang hindi gutom na papasok sa eksuwela ang kanyang mga anak.

Sa ating buhay, hindi lang tiyan ang nagugutom — puso rin. Hindi mo ba napapansin? We try to feed our hearts with achievements, relationships, approval, or material things. Yet at the end of the day, may kulang pa rin.

That’s why Jesus said, “I am the bread of life.” Hindi lang Siya nagbibigay ng pagkain — Siya mismo ang pagkain ng ating kaluluwa. Ang verse na ito ay imbitasyon ni Jesus na lumapit tayo sa Kanya para mapunuan ang gutom at uhaw ng ating kaluluwa. When we come to Him, we’re not just temporarily satisfied, we’re made whole. He fills the hunger we can’t even describe.

Si Jesus ay hindi lang parang meryenda na panandaliang pampabusog. He is our daily, soul-satisfying sustenance. And His beautiful promise? “Whoever believes in Me will never go hungry” (John 6:35).

Maybe you’re hearing this today feeling empty or unfulfilled. Tinatago mo lang, pero alam mong may hinahanap ka. Friend, it’s Jesus. Siya ang kailangan mo. Accept His invitation for you today. He wants to give you blessings far beyond material things. He wants to satisfy the deep longing of your heart. Gaya ni Nanay Nita, kaligayahan ng Diyos na makitang satisfied ang kanyang mga anak.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, Ikaw ang tunay na tinapay ng buhay. Patawarin Mo ako kung minsan ay hinahanap ko sa iba ang mga bagay na Ikaw lang ang may kayang magbigay. Fill me today. Ikaw lang ang gusto at kailangan ko. Amen.

APPLICATION

Spend time in God’s Word today by reading the whole chapter 6 of the Book of John.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 13 =