16

APRIL 2024

But If Not

by | 202404, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Mil Matienzo

Sinabi nina Shadrac, Meshac at Abednego, “Mahal na haring Nebucadnezar, wala po kaming masasabi sa inyo tungkol sa bagay na ito. Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon at mula sa inyong kapangyarihan. Kung hindi man niya kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod sa inyong mga diyos ni sasamba sa rebultong ginto na ipinagawa ninyo.

Daniel 3:1618

One of the most amazing stories recorded in the Bible is the story of the three Hebrew boys: Shadrach, Meshach, and Abednego. Sa kuwentong ito, ipinag-utos ni Haring Nebucadnezar na ang lahat ay dapat lumuhod at sumamba sa rebultong ginto na kanyang ipinagawa. Bilang faithful followers ng Diyos, hindi sumunod ang tatlong binatilyo kayat ikinagalit ito ng hari. Bilang parusa, iniutos ng hari na ihagis sa gitna ng naglalagablab na pugon ang tatlong binatilyo. While in the fiery furnace, the Lord kept them safe, joined them, and delivered them from harm.

Everything in this story is inspiring. While that scene in the furnace is such an amazing picture, ito nga ba ang pinaka-kamangha-mangha? Marahil ang mas kamangha-mangha na dapat tumatak sa isip ng bawat isa ay ang paninindigan ng tatlong magiting na binata sa harap ng hari, lalo pa noong sabihin nila ang mga katagang: “kung hindi man.”

Nagtitiwala silang kaya silang iligtas ng kanilang Diyos. Naniniwala silang makapangyarihan ang kanilang Diyos. Subalit sa mga katagang “kung hindi man,” ipinapakita nilang nagtitiwala sila na sa lahat ng pagkakataon. Kahit anong mangyari, ang Diyos pa rin ang masusunod, ang Diyos pa rin ang in control. Sa tatlong salitang ito, they are showing how much they trust God, whether He saves them or not. Their faith in God is not dependent on the situation, but dependent on the Person. Para sa kanila, anuman ang mangyari, nasa kamay sila ng Diyos. At para sa kanila, sapat na ito.

Sana ay magkaroon tayo ng pananampalataya na kaya tayong iligtas at iahon ng Diyos sa anumang paghihirap, at kung hindi man, manatili sana ang pagtitiwala natin na alam ng Diyos ang Kanyang ginagawa.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama, tulungan po Ninyo akong magkaroon ng pananampalataya na nakatingin lamang sa Inyo at hindi sa mga kasalukuyang pangyayari sa aking buhay. Turuan Ninyo ang puso ko na kumapit lamang sa Inyo anuman ang aking mga pinagdadaanan.

APPLICATION

Check your heart and ask the question: is my faith in God dependent on my circumstances? Spend this day pondering about the Person of God and realign your heart to Him.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 9 =