14

FEBRUARY 2023

Checklist Overhaul

by | 202302, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Karen Mae C. Guarin

Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang ako’y nabubuhay, kaya ako’y parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya.

Awit 103:5, 10–11 (ASND)

May checklist of the man or woman of your dreams ka rin ba tulad nina Rhea, Joana, atDino?

Si Rhea ay isang prostitute. Humingi siya kay God ng matangkad, maskulado, at mayaman na mapapangasawa. Check ang tatlong nasa listahan niya! Pero nakalimutan daw niyang hilingin na guwapo! Tsk, tsk! Hindi raw kasi kaguwapuhan ang binigay ni God. Si Joana naman ay church leader. Nag-pray siya ng spiritual leader for her lifetime partner. But God led her to someone who was new in the faith, eight years younger, at chickboy pa in the past! And lastly, si Dino. Walang bisyo at matinong lalaki, pero nakapangasawa ng lasenggera.

Is this for real? Lord, sinabi mong mahal Mo kami. Joke ba to? Why is it that most of the time ay hindi binibigay ni God ang gusto natin and what we thought we deserve? Actually, because of our sinfulness, we deserve nothing. Yet out of Gods love, He gives us every good and perfect gift (James 1:17)! Hindi nangangahulugan na pag hindi umayon sa gusto natin ang nangyayari sa ating buhay ay hindi na tayo mahal ni Jesus.

Ang lalaking napangasawa ni Rhea ay isa pa lang pastor. Naging instrument siya ni God para makilala ni Rhea si Jesus. Si Joana naman ay tinuruan ni God to trust in His transforming power. And in Dinos family, God made all things new! Their familys testimony is being used by God to encourage married couples who are struggling to keep their family together.

Anong mga nasa checklist mo ngayon? Baka kailangan mo na itong i-overhaul at i-align according to what God wants. Hindi mo man inaasahan ang natanggap mo, tiyak naman na pag inallow ni Lord, He will see you through. Imagine, kung binigay ni God ang lahat ng gusto mo, o di kaya ay trinato ka Niya based sa mga nagawa mo, ano kaya ang buhay mo ngayon? Buti na lang, hindi tayo binibigyan ng Diyos batay sa ating pagkukulang. Ganyan kalaki ang pag-ibig Niya sa atin (v.10–11)!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

My Father in heaven, thank You for loving me by not giving me what I thought I deserve. Salamat po sa buhay na meron ako ngayon. So much worse could have happened but Youve prevented them. Truly, great is the measure of Your love!

APPLICATION

Ngayong araw ng pag-ibig, pakinggan ang kantang Think About His Loveni Don Moen at Trust His Heart ni Babbie Mason. Be in awe about Gods great love for us!

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 10 =